2 Russians, higit 3 minutong nagsayaw sa ilalim ng tubig na hindi humihinga
NAKAPAGTALA ng bagong world record ang magkaparehang sina Marina Kazankova at Dmitriy Malasenko matapos silang magtanghal ng isang underwater dance na tumagal ng 3 minuto at 18 segundo nang hindi umaahon para sila’y makahinga.
Ni-record ang kanilang pagsasayaw sa Padova, Italy, at sinasabing ang kanilang pagtatanghal ang pinakamatagal sa lahat. Sa pool na kung tawagin ay Y-40 at kinikilala bilang pinakamalalim sa buong mundo.
Noong 2016 sa Bonaire freediving competitions, ay nakapagtala na rin si Marina Kazankova ng world record, matapos sumisid sa lalim ng 154 metro. Kinilala ang world record na ito ng Guinness Book of Records.
Bukod sa pagiging swimmer ay isa ring aktres ang 37-anyos na si Marina Kazankova at lumabas na siya sa higit 15 mga pelikula simula noong 1999. Katulad niya ay isa ring aktor ang 34-an-yos na si Dmitriy Malasenko na taga-Donetsk.
- Latest