^

Punto Mo

P50-M reward sa Batocabe, mapupurnada pa?

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

IBIBIGAY ba o hindi ng Ako Bicol partylist at mga kongresista ang pangako nilang reward para sa paglutas ng ambush-slay ni Rep. Rodel Batocabe at kanyang bodyguard sa Daraga, Albay noong Disyembre 22. Matapos kasing lumutang at magsalita ang witness na si Emmanuel Judavar, at nahuli ang anim na suspects na nagtuturo kay Daraga Mayor Carlwyn Baldo na mastermind, aba mukhang nagbago ang ihip ng hangin at ang mga mayayabang nating kongresista ang gusto sa ngayon ay utay-utay ang pag-release ng pera sa saksi nga. Kaya naman napabilis ang paglutas ng kaso ni Batocabe ay dahil sa tulong ni Judavar, na kasama sa unang plano sa ambush-slay subalit tumiwalag sa last minute, dahil sa tampuhan nila ni Baldo. Sa kanilang pagyayabang, nag-alok ng unang P15 milyon na reward ang Ako Bicol party-list, samantalang ang iba pang kongresista ay pumutak din at dinoble ang reward offer. Siyempre, sumakay na rin si President Digong at ginawang P50 milyon ang reward. Ang huling balita mga kosa, inihanda na ng Palasyo ang share nilang P20 milyon para kay Judavar subalit ang Ako Bicol partylist at mga kongresista ay parang ayaw mag-release ng pitsa. Ang balitang kumakalat sa Camp Crame ay nais ng mga mayayabang na kongresista na magbigay muna ng P250,000 kay Judavar at utay-utayin ang pagbigay ng natitira pa habang umuusad ang kaso. Araguuyyy! Puro hangin lang pala itong mga kongresista natin. Hak hak hak!’ Napangakuan na nila si Judavar tapos ang gusto ay tuparin pa? Teka nga pala! Di ba ang usapan ay ang reward para sa witness na makatulong sa paglutas ng kaso? Eh nalutas na nga ah, di ba mga kosa?

Sa totoo lang, bulag ang kampo ni PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde sa kaso ni Batocabe at bodyguard na si SPO2 Orlando Diaz. Ipinadala kaagad ni Albayalde si CIDG director Chief Supt. Amador Corpuz sa Albay para pangasiwaan ang imbestigasyon habang sila ni Dep. Dir. Gen. Jojo Mendez, ang Deputy for Administration (DCA) ay mahigpit na nagmo-monitor ng kaso. Teka nga pala, di ba si Dep. Dir. Gen. Archie Gamboa, ang Dep. Dir. for Operations (DCO) ang dapat katuwang ni Albayalde sa pagsubaybay sa kaso ni Batocabe? Ano sa tingin n’yo mga kosa? Ang balita sa Camp Crame nasa Davao si Sir Archie at nagbabakasyon. Araguuyyy! At pinunuan ni Mendez ang role ni Gamboa, na umaambisyon din na maging PNP chief. Araguuyyy pa! Hak hak hak! Talagang operative si Mendez di ba mga kosa? Tumpak!

Para makakuha ng impormasyon, kinontak ng military intelligence ang dati nilang miyembro na si Judavar at lumabas na may alam siya sa plano sa pagpatay kay Batocabe. Si Judavar ang nagturo o nagkumpirma sa mga litrato ng mga suspect na nakunan ng mga miron sa lugar kung saan binaril ang dalawang biktima. Kaya iginigiit ni Albayalde na kay Judavar mapunta ang P50 milyon reward money dahil ibinuwis niya ang buhay para malutas ang kaso. Kaya lang mukhang mapupurnada pa! Abangan!

vuukle comment

RODEL BATOCABE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with