^

Punto Mo

Mga naglalaway sa puwesto ni Albayalde, nakanganga!

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

NASA warpath si Philippine National Police (PNP) chief Dir. Gen. Oscar Albayalde. Hindi naitago ni Albayalde ang galit niya sa mga opisyal ng PNP na imbes na magtrabaho ay ang ginagawa puro sumbong ng kung anu-anong isyu sa mga opisyales ng gobyerno, lalo na kay President Digong.

Kaya sa isang command conference sa Camp Crame noong Miyerkules, hindi napigilan ni Albayalde na hamunin ang mga opisyales ng PNP na magpakalalaki, harapin siya at prangkahin kung anong mga programa ng kapulisan ang hindi nila gusto para maayos ang gusot sa loob ng organisasyon. May punto si Albayalde rito, ‘di ba mga kosa?

Sabay sa kanyang paghahamon, sinabi ni Albayalde na ang mga programa na inihain niya sa PNP ay hindi para sa kanyang sarili kundi para sa organisasyon para mabago o maayos ang mga hindi magandang pamamaraan o rules and regulations nito. Kasi nga sa panahon ng high tech gadgets sa ngayon, kailangang mag-adapt ng PNP para hindi naman sila maiiwan sa kangkungan, ‘di ba mga kosa?

Kaya lang, parang naramdaman ni Albayalde na itong pagsusumbong ng ilang opisyal kay Digong at sa iba pang opisyal ng gobyerno ay may malalim na motibo. Araguuyyy! Hak hak hak! Ano pa ba ang bago sa ugali ng mga Pinoy, ‘di ba mga kosa? Tumpak!

Kung sabagay, marami ang naglalaway sa puwesto ni Albayalde. Sa katunayan, noong nakaraang taon umugong sa Camp Crame na papalitan na siya noong Disyembre. Lumampas ang Disyembre, at ang kumalat na balita ay papalitan na naman siya sa Enero 6.

Kaya lang bago lumipas ang Enero 6, aba nalutas ni Albayalde ang kaso ng pagpaslang kay Ako Bicol party-list Rep. Rodel Batocabe at bodyguard na SPO2 Orlando Diaz kaya umabot sa langit ang pogi points niya. At kasama si NCRPO chief Dir. Guillermo Eleazar, naging maayos ang pag-security ng traslacion ng Black Nazarene noong Miyerkules kaya mukhang bulilyaso na naman ang mga pangarap ng naglalaway sa puwesto ni Albayalde. Araguuyyy!

Ano pa ba ang gustong lider ng PNP ni Digong, ‘yung nagtatrabaho o yung nagsisipsip na puro laway lang? Tumpak! hak hak hak! Sa ngayon, naiwang nakanganga ang mga nag-aambisyon na maging PNP chief. Potaahhh!

Sa tingin naman ng mga kosa ko sa Camp Crame, hindi naman pinapansin ni Albayalde ang paninira sa kanya ng ilang opisyales ng PNP. Kaya lang, kailangan niyang ikumpas ang kamay na bakal para maiwasan na ito at ang lahat ng problema ng PNP ay maayos na internally, hindi ‘yung pati tagalabas ay madadamay pa.

Sa tingin kasi ni Albayalde, may edad na sila at hindi na dapat gabayan pa ng tagalabas ng organisasyon dahil sa totoo lang, mahabang panahon na sila sa PNP at arok na nila ang mga problemang hinaharap nito. Kaya ang panawagan ni Albayalde, bukas ang kanyang opisina sa mga opisyales ng pulisya na may gustong baguhin sa sistema ng pamamalakad n’ya. Di ba may oversight committee na itinatag si Albayalde? Abangan!

vuukle comment

OSCAR ALBAYALDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with