^

Punto Mo

Mga anekdota ng US First Ladies

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Frances Cleveland: wife ni Grover Cleveland, 22nd and 24th president of the United States (1864 at 1947)

Sa White House dinner party para sa bisita na isang batang-batang European attaché (staff ng ambassador), nagsilbi ng salad ang First Lady na may “worms”.

Nanlaki ang mata ng bisita at magpoprotesta sana ito ngunit nakita niyang nakatitig sa kanya ang magandang First Lady. Titig na parang hinahamon siya. Napahiya ang bisita at inubos ang salad. Napangiti ang First Lady at saka nagsalita:

“You will go far, young man!”

Pagkaraan ng 15 taon, bumalik  muli sa US ang bisitang ito na isa nang full ambassador.

Martha Jefferson: wife ni Thomas Jefferson, 3rd president of the United States (1801-1809).

Si Martha ay biyuda at may anak na nang mapangasawa ni Jefferson. Sa kabila ng pagkakaroon ng anak, maraming karibal si Jefferson. Minsan dalawang binata ang pumunta sa bahay ng magandang biyuda para umakyat ng ligaw.

Nasa labas pa lang ng bahay ay narinig na nila na may tumutugtog ng violin kasabay ng pagkanta ng isang lalaki at babae. Sumilip sila sa bintana. Nakita nila na ang tumutugtog ng violin ay si Jefferson, ka-duet nito si Martha. Nagkatinginan ang dalawang aakyat sana ng ligaw.

Nagkasundo silang umuwi na lang. Nahulaan nila na may nanalo na sa puso ng biyuda. E, sino pa nga ba, kundi si Jefferson.

vuukle comment

WHITE HOUSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with