^

Punto Mo

Happy New Year to all!

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

TAPOS na ang 2018 kaya nakatutok ang madlang people sa year 2019, kung anong kapalaran ang sasapitin natin ngayong taon.

Sana makaya pa rin ng madlang pinoy ang presyo ng mga pangunahing bilihin ngayon year 2019 ?

‘Lord help us!’

Siempre masaya ngayon 1st quarter ng taon kahit bayaran ng buwis ?

Bakit ?

Sagot - midterm election !

Sabi nga, may trabaho dahil may sahod ang sasama sa mga kampanya pagdating sa usaping pulitika.

Ika nga, dagdag income ito. Hehehe!

Sa unang salvo ng kampanyahan at sa mga gagawing pag-iikot ng mga kandidato sa kanilang mga lugar sana iwasan ang alitan, galit at patayan.

Sabi nga, relax lang mga ‘igan !

Sana huwag humantong sa hindi maganda ang eleksyon ngayong taon tulad sa mga nangyari noong mga nakaraan eleksyon sa Philippines my Philippines.

Amen !

Anyway, Happy New Year muna...

• • • • • •

May pera sa paputok

Sangdamakmak ang nagtataka kung bakit pinayagan ng gobierno ang paputok, alam naman  nila na lapitan sa disgrasiya ang mga nagpapaputok lalo’t ang mga naka-toma.

Alam natin ipinagbawal ng gobierno ang mga malalakas na paputok at pinayagan lamang iyong mga mahihina daw ?

Bakit pa ?

Totoong may order ang PNP personnel na hulihin ang lalabag sa kautusan nila pero hindi naman nila maalis ang mga illegal manufacturer na gumawa ng paputok lalo’t sa mga tago at liblib na lugar.

Basta ang importante ay kumita sila ng salapi !

Dapat kasi ang DOH ang siyang makulit sa paputok na i-ban ito at sila rin dapat ang nagrekomenda kay Boss Digong at sa PNP na ipagbawal ang lahat ng uri ng paputok malakas man o mahina para iwas disgrasiya.

Ilang kaya ang kabuuan bilang ng mga naputukan kahapon at nitong mga nagdaan araw ?

Ano ba ito ?

Sabi nga, ningas cogon lang ang gobierno sa paputok.

Bakit kaya ?

May pera sa paputok at hindi basta salapi ito.

Sabi nga, limpak-limpak !

Alam naman natin ang ugali ng ilang pinoy kung ano ang bawal iyong ang gustong-gustong ginagawa.

Dapat sa susunod na New Year, totohanan nang ang total ban nang paputok sa Philippines my Philippines.

Abangan.

vuukle comment

HAPPY NEW YEAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with