^

Punto Mo

Home remedies ng mga nanay

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

BASE sa pagsasaliksik ng *author, narito ang ginagawa ng mga ina mula sa iba’t ibang panig ng mundo para maibsan ang masamang nararamdaman ng kanilang anak sa panahon ng pagkakasakit.

1. Mexico : Kapag sinisipon ang anak, pinauupo ito ni Nanay sa silya. Papahiran ng vapor rub ointment (halimbawa : Vicks) ang talampakan. Kukuha ng maligamgam na tubig sa palanggana at ibababad ang paa rito. Habang nakababad ang paa ay paiinumin ang anak ng cinnamon tea.

2. Chicago: Ipapahid ang vapour rub sa dibdib kapag inu­ubo. Pagpapatungin ang tatlo hanggang apat na unan at doon ihihiga ang kalahati ng katawan. Sa ganoong posisyon dapat matulog para tumigil ang pag-ubo. Ang vapor rub ay may eucalyptus essential oil na tumutulong upang lumuwag ang plema at pagkatapos ay lumabas sa katawan.

3. Nigeria: Kapag sinusumpong ng sinusitis, kumuha ng bagong kulong tubig at ilagay sa palanggana. Ihalo ang isang kutsaritang vapor rub hanggang sa matunaw. Kumuha ng malinis na basahang kamiseta. Basain ng water-vapor rub mixture ang kamiseta. Ilatag ang basang kamiseta sa ibabaw ng palanggana. Ito ang singhutin hanggang sa lumuwag ang paghinga.

4. New York : Basta’t nakaramdam ng pagkati ng lalamunan o sintomas ng lagnat, pinagmumumog na sila ng kanilang ina ng maligamgam na tubig na may asin.

5. Greece : Ang red wine ay pinapainit ng 30 seconds sa microwave at ito ang iniinom kapag may sipon.

*Mula sa research ni Adeline Hocine para ikuwento kung paano nireremedyuhan ng mga ina mula sa iba’t ibang kultura ang mga simpleng sakit ng kanilang mga anak. Hindi intensiyon ng author na magbigay ng panlunas sa sakit dahil wala naman itong scientific basis.

(Source: https://www.healthline.com/health/folk-remedies-passed-down)

vuukle comment

NANAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with