^

Punto Mo

Gen. Anduyan, ayaw ng stray bullet incident sa NPD!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

PARA makamtan ang kanyang goal na “zero casualty” sa indiscriminate firing sa New Year revelry, nagsagawa nang malawakang kampanya si Chief Supt. Rolando Anduyan, director ng Northern Police District (NPD) laban sa mga loose firearms at nagtagumpay naman siya.

Umabot sa 133 na iba’t ibang klaseng baril ang nakumpiska ng tropa ni Anduyan sa halos isang linggo nilang kampanya na ikinatuwa ni NCRPO chief Dir. Guillermo Eleazar. Hamakin n’yo mga kosa, kung ang 133 na armas ay nasa kamay pa ng mga may-ari nito sa darating na New Year revelry, aba ilang inosenteng nilalang pa kaya ang magiging biktima ng stray bullet kapag kinalabit nila ang gatilyo.

Get’s n’yo mga kosa? Nakatanim pa kasi sa isipan ni Anduyan ang kaso ni Stephanie Nicole Ella, 7, na nanonood lang ng fireworks display sa Caloocan City noong 2013 nang tamaan ng stray bullet sa ulo na kanyang ikinamatay.

Ayaw ni Anduyan na maulit ang ganoong insidente na nakaapekto sa imahe ng Philippine National Police (PNP) kaya’t minabuti niyang magsagawa ng preventive measure at ‘yaon nga ay ang pag-account ng mga loose firearms. Hak hak hak! Hindi nagkamali si Eleazar na purihin itong si Anduyan sa initiative niya, di ba mga kosa?

Sa totoo lang mga kosa, timely itong accomplishment ni Anduyan dahil may balak si PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde na itigil na itong lumang praktis ng selyuhan ang mga nguso ng baril ng mga kapulisan para hindi sila masangkot sa mga kasong indiscriminate firing hindi lang sa New Year revelry kundi maging sa Christmas celebration bukas.

Ayon kay Albayalde, itong sistema ay lumalabas na ang liderato ng PNP ay walang tiwala sa mga tauhan niya. Sa pagtaas kasi ni President Digong ng suweldo ng PNP, walang makitang dahilan si Albayalde kung bakit magpaputok pa sila ng baril tuwing me okasyon dahil abot naman nila na ang kaparusahan ay dismissal sa serbisyo.

‘Ika nga, bunga sa pagkakamali nila, aba’y nganga ang aabutin ng mga pamilya nila. Araguuyyy! Get’s n’yo mga kosa? Kaya’t sa magkasunod na taon, hindi na seselyuhan ni Albayalde ang nguso ng mga baril ng mga pulis para handang-handa sila makipagpalitan ng putok laban sa mga kriminal, lalo na ang mga drug pushers na nitong nagdaang mga araw ay lumalaban na sa kapulisan. Hak hak hak! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan, di ba mga kosa?

Kaya sa tuwa ni Eleazar sa ginawa ni Anduyan, nais nitong gayahin ang konsepto niya habang papalapit ang New Year. Sa tingin kasi ni Eleazar, mas epektibo itong pamamaraan ni Anduyan keysa sa pagselyo ng mga nguso ng baril ng mga pulis.

Tumpak, di ba mga kosa? Kasi nga kung walang mga loose firearms, mababawasan ang pagpaputok ng baril at kung lisensiyado man ito t’yak madaling ma-trace ng Firearms and Explosive Office (FEO) sa pamamagitan ng cross-matching ng mga bala o slug. May punto, di ba mga kosa!

Teka nga pala, hindi nakalusot ang P2.2 milyon na shabu kay Anduyan subalit mukhang ang jueteng nina Jojo Bernardo sa Valenzuela City at ni Sherwin sa Caloocan City ay hindi niya namalayan. Abangan!

vuukle comment

INDISCRIMINATE FIRING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with