^

Punto Mo

Isyu sa kasarian ni Santa Claus

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

SA nagdaang maraming siglo, alam ng lahat lalo na sa mundo ng kakristiyanuhan na si Santa Claus ay isa sa mga karakter ng Kapaskuhan.  Mula sa pagkabata hanggang pagtanda ay nasa  isip natin ang kanyang imahe na isang lalaking mataba, may balbas na puti, masayahin na laging tumatawa, naka-pulang damit at may sleigh na hinihila ng mga reindeer at may bitbit sa likod na tila sako na siksik sa mga regalo na ibibigay niya sa mga bata sa buong mundo. Pero, habang lumalaki tayo, unti-unti nating natutuklasan kung sino talaga si Santa Claus na ang karakter ay hango lang sa katauhan ng obispong Kristiyanong si St. Nicholas na nabuhay sa Turkey noong circa 28o at naging alamat ang lihim niyang pamimigay ng mga regalo sa mga tao lalo na sa mga mahihirap. 

Gayunman, totoo man o likhang-isip lang si Santa Claus, nagiging isyu rin pala ang kanyang kasarian – Kung dapat ba siyang isang lalaki, isang babae o iyong gender neutral  (Walang partikular na  kasarian).  Sa panahon nating ito ngayon na maraming sektor ang naggigiit ng kani-kanilang karapatan, hindi nakakapagtaka na magkaroon ng ganitong usapin lalo pa at hinggil sa isang likhang-isip na imahen. Ayon sa isang ulat ng New York Post, nagkaroon ng debate sa naturang usapin nang lumitaw ang isang survey ng GraphicSprings, isang logo creation company. May 400 tao ang sinaklaw ng survey mula U.S. hanggang United Kingdom noong Oktubre hanggang Nobyembre tungkol sa paraan kung paano gagawing modern si Santa Claus o kung paano nila nakikita ang version ni Santa sa taong 2018.

Sa survey, 19 na porsiyento sa United States ang naniniwalang hindi dapat lalaki at hindi rin dapat babae ang katauhan ni Santa Claus. Mahigit 10 porsiyento naman ang nagsasabing dapat ituring si Santa bilang babae. Ibig sabihin, 70% ang naniniwalang lalaki si Santa.

Sabi pa umano ng mga sinaklaw sa survey, dapat umano nakasuot na ngayon ng skinny jeans at sunglasses si Santa, lulan na siya ng isang flying car sa halip na sa sled na pinapaandar ni Rudolph at ng ibang reindeer habang nagpapalipat-lipat sa mga bayan.

vuukle comment

SANTA CLAUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with