^

Punto Mo

Francis Pineda ng LTO

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

NAGULAT tayo sa ipinakitang ‘PR’ sa madlang people na may transaksyon sa LTO Central Office sa Kyusi dahil sa mga tulong at pakikipag-kapwa tao na ipinapakita nito sa nasabing lugar.

Si Francis ay LTO motor vehicle inspector, na tinutulungan niya ng personal tulad ng renewal registration, cancellation of mortage, transfer of ownership, change engine at marami pang iba.

Kaya naman ang halos lahat ng problema ng mga tao sa LTO ay siya ang unang humaharap.

Sabi nga, with a smile !

Kaya naman laking pasasalamat ng mga taong may problema sa mga dokumento ng kanilang mga sasakyan dahil si Francis ang isa sa mga nagbibigay sa kanila ng tulong.

Nang walang hinihingi ni kusing ! 

• • • • • •

Ang anak ni Faeldon, bow

Negatibo sa drug test at walang basurang nakuha ang mga autoridad sa anak ni BuCor Diretor Nicanor Faeldon Sr. matapos itong mahuli kasama ang tatlo pang hinihinalang drug pushers sa ikinasang  anti-drug operation last Friday, sa Naga City, Camarines  Sur.

Sabi nga, negative sa lahat ng klase ng droga si Nicanor Faeldon Jr.

Buti naman kung ganoon.

Positive sa shabu ang tatlong iba pang suspek na sina Russel Lanuzo, a.k.a Bubbles, na siyang pakay ng search warrant na dala ng mga autoridad,  Allan Valdez  at Manuel Nebres.

Nasungkit sila sa anti-drug ope­ration sa San Miguel Street, Brgy. Mabolo, Naga City, si   Faeldon Jr., ay nasa loob ng haybol ng kanyang syotang si Sandra May Lanuzo,  porke todits pala ito natutulog.sakaniyang nobya na si Sandra May Lanuzo na anak ng suspek na si Russel.

Nasamsam mula sa mga suspek ang ilang sachet ng shabu mga armas at drug paraphernalias.

Ang resulta ng laboratory test ay nilagdaan ni Sr. Inspector  Vina Zarina Zaldua-Cunom, forensic chemist.

Samantala, iginiit naman ng 32 anyos na si Faeldon Jr. na wala siyang alam na may illegal drug activities  na nagaganap sa bahay ni Russel. Inamin nito na nakikitira siya sa bahay ni Lanuzo kasama ang kaniyang nobya dahil pareho silang nag-aaral sa Naga City.

Sinabi ng pulisya ang tatlong suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Anti-Illegal Drugs Act habang si Faeldon Jr., ay maari pa ring kasuhan sa ilalim ng Section 7 ng nasabing batas o ang Visiting a drug den.

 Nabatid na, kapag napatunayang guilty ang batang Faeldon, maaari siyang makulong ng mula 12 taon at isang araw  o hanggang 20 taon at magmumulta ng mula P100,000 hanggang P500,000.

Naku ha !

Ito ang mabigat .

Nasa karsel na sila sa  detention cell ng Naga City Police Station.

Ang sabi ng erpat ni Faeldon Jr, kung may kasalanan ito bahala siyang magdusa.

Abangan.

vuukle comment

FRANCIS PINEDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with