^

Punto Mo

Ilang katotohanan sa Christmas tree

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

SA mga dekorasyong gamit tuwing kapaskuhan, ang Christmas tree ang isa marahil sa matatawag na may mahabang kasaysayan.  Ayon kay Deemer Cass, Christmas tree and decoration expert ng United Kingdom-based na kompanyang Fantastic Gardeners, sa ulat ng AccuWeather, hindi mga Kristiyano ang unang nagkagusto at nagdekorasyon sa mga Christmas tree.

Nagsimula aniya ang tradisyon sa pagdedekorasyon ng mga Christmas tree mahigit 2,000 taon na ang nakakaraan nang sinasamba ng mga pagano ang evergreen trees bilang simbolo ng fertility.

Sa pagitan ng taong 1500 at 1600, ang mga mamamayan ng Latvia at ibang bansa sa Eastern Europe ay nagsimulang magdekorasyon ng Christmas trees at kinalaunan ay kinopya ng mga Aleman ang tradisyong ito. Noong 1840s, ang tradisyong ito ay dinala sa England ng asawa ni Queen Victoria na si Prince Albert. Kasunod nito ay kumalat na rin ang tradisyong ito sa Amerika.

Itinuturing na leader ng mga Christmas tree ang Nordmann Fir. Maraming taong naging popular na Christmas tree sa Europe ang Nordmann Fir at naging sikat na rin sa United States dahil sa excellent needle retention nito, kalambutan ng needles at perpekto para sa mga taong may allergies.

Ninety-eight percent ng lahat ng Christmas trees ay pinalalaki sa mga farms. May 350 milyong Christmas tree ang kasalukuyan umanong nakatanim sa United States, ayon naman sa National Christmas Tree Association.

Marami rin umanong namamahay na mga insektor at microorganism sa mga fresh Christmas tree kaya, kung mag-uuwi ka nito sa bahay, tiyakin munang ipagpag ito bago ipasok sa loob.

Sinasabi ring ang 16th century Protestant reformer na si Martin Luther King ang nagpasimula umano ng pagkakabit ng mga ilaw sa Christmas tree. Kandila pa ang gamit niya rito.  Ang assistant ni Thomas Edison na si Edward Johnson ang naglabas ng idea sa paglalagay ng electric light sa Christmas tree noong 1882.

Nagsimula naman sa Germany ang mga artipisyal na Christmas tree. Noong 19th century, nagsimulang gawin ang mga artipisyal na Christmas tree sa Germany bago ito naging popular sa U.S.. Ginawa ito gamit ang green-dyed na goose feather na nakakabit sa wire branches. Ang mga sanga ay ibalot sa central dowel rod na nagsisilbing trunk ng puno

May panahon namang isinasabit sa kisame nang pabaliktad ang Christmas tree na nagsimula sa Central at Eastern Europe, ayon sa TheSpruce.com.

Umaabot nang 15 taon bago umabot ang isang Christmas tree sa tipikal nitong taas na karaniwan ay 6 o 7 feet.

vuukle comment

CHRISTMAS TREE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with