^

Punto Mo

Bakit mas maagang namamatay ang lalaki kaysa babae?

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

BASE sa datos na nakalap ng WHO, UN, American Heart Association, Centers for Disease Control and Prevention, natuklasan ng The National Research Council (USA) na sa pangkalahatan, mas maikli ang buhay ng lalaki kaysa babae. Narito ang life expectancy figures sa pagitan ng mga lalaki at babae mula sa pitong kontinente sa buong mundo:

North America Lalaki: 75.0 years; Babae: 78.0 years

South America Lalaki: 73.0 years; Babae: 79.0 years

Europe Lalaki :77.0 years; Babae: 83.0 years

Australia Lalaki :78.9 years; Babae: 81.0 years

Antarctica Lalaki: 76.0 years; Babae: 81.0 years

Asia Lalaki: 75.0 years; Babae: 87.0 years

Africa Lalaki: 56.0 years; Babae: 58.0 years

Ang mga dahilan kung bakit mas maikli ang buhay ng mga lalaki:

1. Poor eating habits. Ang mga babae ay nagsisikap na kumain ng tatlong beses araw-araw samantalang ang mga lalaki ay madalas na lumalaktaw ng isang “meal” per day. Ang pagkain ng 3 balanced meals per day sa tamang oras ay nakakadagdag din ng ilang taon sa buhay ng isang tao.

2. Poor dietary habits. Mga pagkaing hindi nakakapagbigay ng tamang nutrisyon ang madalas kainin. Kapag nakasanayan sa matagal na panahon ang “poor dietary habits” ito ay nagbubunga ng maraming sakit.

3. Sobrang pag-inom ng nakalalasing na inumin. Nakakatuyo ng katawan ang alak, idagdag pa rito na nakakawalang gana sa pagkain ang sobrang pag-inom.

4. Paninigarilyo. Mga ilang oras ng iyong buhay ang nababawas sa bawat isang stick ng sigarilyo na mahihithit.

5. Mas malakas ang loob ng mga lalaki na gumawa ng mga delikadong stunts, (pagsakay sa motor nang nakatiwarik, pagpapatakbo ng kotse nang paikot ang  direksiyon, etc.) upang maipakita ang pagiging macho.

6. Limitado lang ang kanilang partisipasyon sa mga gawaing bahay o wala talagang ginagawa. Ang tendency, mga babae ang nae-exercise ang katawan sa pag-aasikaso ng pamilya.

7. May extra-marital affairs. Siyempre kapag may dalawa o higit pang inaasawa, may karagdagang din pinapalamon at ginagastusan. Dagdag gastos, dagdag kaba na baka mabuko ng original misis, dagdag stress, kaya bawas life expectancy.

8. Kulang sa tulog. Sila ang madalas mapuyat at hindi mahilig umidlip.

9. Hindi umiiyak kaya kinikimkim na lang ang sama ng loob.

 10. Hindi paladasal at palasimba. Nakakahaba rin ng buhay ang paghiling sa Diyos na pahabain ang iyong buhay.

 

vuukle comment

BABAE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with