^

Punto Mo

Mukhang aalagwa si DBM Sec. Benjamin Diokno

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

MUKHANG aalagwa si DBM Secretary Benjamin Diokno sa Cabinet ni Boss Digong, oras na napatunayan ang mga alegasyon na sabit ito sa P75 billion insertion sa 2019 national budget ng government of the Philippines my Philippines na ibinulgar ng dalawang mataas na kongresista.

Alam naman ng madlang people ang ugali ni Boss Digong kaya naman paulit-ulit niyang sinasabi na ayaw niya ang corruption habang siya ang naka-upo sa trono ng Palasyo.

Marami na rin namang nasibak si Boss Digong ng masabit ang mga opisyal niya na iniluklok sa matataas na position sa tanggapan ng gobierno.

Ika nga, hindi siya nagbibiro, kapag sabit ‘sipa’ sa puesto.

Sabi nga, goodbye!

Binanatan kasi sa Kongreso si Diokno tungkol sa billion of pesos na halaga ng erection este mali insertion pala para paboran ang mga government projects na nakuha ng CT Leon­cio construction dahil nga raw in-laws ng kanyang anak ang may-ari nito.

Naku ha!

Ganoon ba?

Pero giit ng Malacañang na walang secret agents este ‘sacred cows’ sa administrasyon ni Boss Digong dahil maraming beses na ring pinagsisipa sa puesto ng huli ang mga sumabit sa kurapsyon na kanyang mga kasangga.

The other day ay nagpasa ng resolution sa Kongreso na humihiling na patalsikin sa puesto si Diokno pero siempre hindi papayag ang huli sa gustong mangyari sa kanya dahil para rito ay wala siyang kasalanan sa mga ibinibintang at wala siyang alam.

Naku ha!

Kambiyo isyu, ilang araw na lang ang binibilang at pasko na kaya nasa Christmas holidays na ang mga Senator kaya para sa kanila ay malabo nang maipasa ang panukalang P3.757 trillion national budget sa 2019 kahit na magkaroon pa ng ‘special’ session para rito. 

Sabi nga, wala ng oras!

Bakit?

May agreement kasi ang mga Senator na hindi nila papaspasan ang pagpasa sa national budget dahil gusto nila itong himayin.

Abangan.

 

vuukle comment

BENJAMIN DIOKNO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with