^

Punto Mo

EDITORYAL - Nagkalat ang pulubi

Pang-masa
EDITORYAL - Nagkalat ang pulubi

KAHIT naman hindi Pasko ay nagkalat na talaga ang pulubi sa Metro Manila. Pero ngayong 11 araw na lamang at Pasko na, lalo pang naglipana ang mga pulubi sa MM. Dumagsa ang mga Badjao na karamihan ay ang mga pampasaherong dyipni ang target. Umaakyat ang dalawang kabataang Badjao at mag-aabot ng sobre sa mga pasahero.

Mayroong magtatambol gamit ang PVC pipe. Pagkatapos makulekta ang sobre, biglang tatalon sa dyipni. Marami sa kanila ang nasasagasaan ng kasunod na sasakyan.

Dumadagsa na rin ang mga Aeta sa mga kalsada ng Metro Manila. Nakikipagkumpetensiya sila sa mga Badjao. Bagama’t hindi sumasampa sa mga dyipni, sinasalubong naman nila ang mga sasakyan kapag papalapit na sa traffic light dahilan para malito ang mga drayber sa biglaang pag-iwas. May mga nasasagi dahil sa biglaang pagtawid o pagsulpot sa kalsada. Karaniwang may kargang bata ang mga Aeta habang namamalimos.

Babala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) huwag magbibigay ng limos sa mga pulubi. Kapag binigyan ang mga ito, para na ring itinulak silang mamalimos na lamang habambuhay at patuloy na aasa sa iba. Hindi na sila gagawa ng paraan para sa sarili.

Pero kahit nagbabala na ang DSWD, marami pa ring may malalambot na puso ang naglilimos. Lalo pa ngayong Pasko na panahon ng sharing. Kahit bawal, aabutan ng P5 o P10 ang mga namamalimos. Minsan lang naman daw sa loob ng isang taon.

Nagbabala naman ang National Capital Region Police Office (NCRPO) na huhulihin nila ang mga namamalimos. Ipatutupad nila ang Presidential Decree 1563 o ang Anti-Mendicancy Law. Sabi ni NCRPO chief Director Guillermo Eleazar, delikado raw na masagasaan ang mga pulubi at ang mga ito rin ang nagdudulot ng trapik. Noong Martes, 142 pulubi ang nahuli sa Quezon City. Araw-araw na raw ang gagawing panghuhuli.

Tama lang ito. Masyado nang namimihasa ang mga pulubi sa pamamalimos. Akala nila tama ang mamalimos. Hulihin sila para mailayo sa disgrasya sa kalsada.

vuukle comment

DSWD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with