^

Punto Mo

Utol (74)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

AGAD nilang dinala sa ospital ang apo ni Nanay Lucing. Umarkila ng sasakyan si Gerald para mabilis na makarating sa provincial hospital. Mas kumpleto ang gamit sa provincial hospital.

Habang nasa sasakyan, tinanong ni Gerald si Nanay Lucing kung nasaan ang ina ng sanggol. Bakit siya ang nag-aalaga sa mga apo.

Napaiyak si Nanay Lu-cing.

Pinahid muna ang luha bago sumagot.

“Umalis ang anak kong babae. Hahanapin daw niya ang ama ng mga bata. Sabi ko, huwag na niyang hana-pin ang lalaki at sa halip, maghanap ng trabaho para sa mga anak niya. Pero matigas ang kanyang ulo. Hahanapin daw niya kahit saan.’’

“Gaano na po katagal na wala ang iyong anak?’’

“Tatlong buwan na!’’
“At wala pong balita sa kanya, Nanay?’’

“Wala! Hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa kanya. Natatakot ako.’’

Napahinga si Gerald. Mabigat ang problema ng matanda.

Maya-maya, dumating na sila sa ospital.

Dinala sa ER ang sanggol.

Naghintay sa labas ng ER sina Gerald at Nanay Lucing.

Makalipas ang isang oras, lumabas ang doctor at sinabing stable na ang sanggol.

Kumuha ng room si Gerald.

Dinala roon ang sanggol. Magaling na nga ito.

“Okey na siya Nanay!’’

“Salamat sa Diyos. Sa-lamat Gerald!”

(Itutuloy)

vuukle comment

UTOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with