^

Punto Mo

Utol (73)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

ATUBILI si Nanay Lucing nang sabihin ni Gerald na dadalhin nila ang apo nito sa ospital.

“Halika na Nanay Lucing, dalhin natin sa ospital ang apo mo!”

“Wala nga akong pera, Gerald!’’

“Ako ang bahala, Nanay! Nasaan ang apo mo?’’

“Nasa bahay! Halika Gerald!’’

Nagmamadali silang nagtungo sa bahay ni Nanay Lucing. Maliit lang ang bahay nito na gawa sa tabla.

Halata ang kahirapan ng buhay sa itsura ng bahay.

Tumawag si Nanay Lucing sa loob.

“Jessica pag-buksan mo kami. May kasama ako!’’

May nagbukas sa pinto.

Isang batang babae na 10-anyos siguro.

“Mag-bless ka kay Tito Gerald.’’

Nag-bless ang bata.

“Kaawaan ka ng Diyos, Jessica.’’

“Salamat po.’’

“Kumusta ang kapatid mo Jessica?’’

“Mainit po ang katawan, Lola.’’

Niyaya ni Nanay Lucing sa kuwarto.

“Halika sa loob, Gerald.

Pasensiya ka na, maliit lang ang bahay namin.’’

“ O k e y l a n g y a n ,

Nanay.’’

Pumasok sila sa kuwarto at nakita ni Gerald ang sanggol sa higaang papag.

Nilapitan ni Nanay Lucing ang sanggol at dinama ang noo. “Mainit pa siya! May lagnat pa!’’

“Dalhin na natin siya sa ospital!” (Itutuloy)

vuukle comment

UTOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with