^

Punto Mo

Utol (72)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“GERALD!’’

Nang lingunin ni Gerald kung sino ang tumawag sa kanya, si Nanay Lucing, ang matandang na­kilala niya sa may simbahan ng Liliw at nakapagbigay sa kanya ng impormasyon ukol kay Xander. Ito rin ang nagpakilala sa kanya kay Rosa, ang ka­pitbahay daw dati nina Catalina (ina ni Xander).

Pero bakit kaya parang malungkot si Nanay Lucing at nagulat nang makita siya.

“Nanay Lucing! Kumusta? Mabuti at kilala mo pa po ako!’’

“Oo Gerald! Hindi kita malilimutan! Bakit ka pala narito? Ano ang nangyari sa paghahanap mo kay Xander sa Maynila.’’

‘‘Kaya nga po ako narito ay nagbabakasakaling narito siya. Wala po siya sa Maynila. Meron siyang bahay dun pero sabi ng kaibigan niya, umalis daw at hanggang ngayon, hindi pa bumabalik.’’

‘‘Wala siya rito, Ge-rald. At palagay ko, hindi na siya pupunta rito.’’

Napahinga si Gerald. Bigo na naman siya na makita si Xander.

“Di bale po Nanay Lu-cing. Nagbakasakali lang naman ako. Isa pa gusto ko kayong makita ni Rosa. Nasaan na po si Rosa?’’

“Nasa bahay nila.’’

“Teka kanina e parang nagulat ka nang makita ako Nanay Lucing. Parang may problema ka. Anong problema, Nanay?’’

Biglang umiyak si Na­nay Lucing.

“O bakit ka umiyak?’’

“Kasi’y maysakit ang apo ko Gerald at kaila-ngan kong dalhin sa ospital. Pero wala akong kapera-pera!’’

“Aba nasaan siya? Ha­lika dalhin natin sa ospital!’’ (Itutuloy)

vuukle comment

UTOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with