^

Punto Mo

Ano ang advantage ng pari sa lalaking may asawa?

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

MAGKAKASAMA silang nakasakay sa bangka — si Mister, ang kanyang maybahay at ina ni Mister. Biglang tumaob ang bangka, parehong hindi marunong lumangoy si Misis at ina ni Mister, sino ngayon ang ililigtas ni Mister? Ang sitwasyon ay magkalayo ng kinaroroonan ng kanyang ina at misis kaya isa lang ang puwede niyang iligtas.

Base sa moral theology, ang misis ang dapat iligtas. Pagkatapos ikasal ang dalawang tao, naging pag-aari na ng lalaki ang buhay ng babae and vice versa. Kaya pagkatapos ng kasal, ang primary obligation ng lalaki ay nasa misis na niya at hindi sa kanyang ina.

Mabuti pa ang mga pari at walang ganitong problema, comment ng isang pari sa kanyang artikulo. Ang primary obligation ng pari ay nananatiling nasa kanyang magulang kahit pa nanumpa na siya sa Diyos at sa Simbahang Katoliko. May alituntunin pa ang Simbahang Katoliko na puwedeng iwan ang pagpapari kung kakailanganin siya ng kanyang magulang.

Kaya kapag nagpari ang isang anak, walang dapat ipag-alala ang mga magulang dahil sila pa rin ang priority ng kanilang anak. Kung ganoon, ang dapat  palang iyakan ng magulang ay ang pag-aasawa ng anak dahil pagkatapos ng kasal, ang napangasawa na nito ang kanya nang magiging pangunahing obligasyon.

Karamihan pa naman sa Pinoy parents ay palaasa sa mga anak. Inoobliga pa rin ang mga anak na sustentuhan sila, kahit may sarili nang pamilya ang mga ito.

vuukle comment

MISTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with