^

Punto Mo

Atras, taas ang pagyoyo sa presyo ng petrolyo

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

MUKHANG isinulong para i-abante at wala nang atrasan para sa implementation ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion Act o Train 2 next year dahil hindi na kayang supalpalin ang gobierno tungkol sa isyung ito.

Naku patay, tiyak yari ang mga pobreng alindahaw dahil siguradong sisipa ang taas presyo sa mga mukha ng mga ito.

Kawawa na naman tayo - ‘Amen !’

May basbas daw si Boss Digong ang gagawing implementation ng Train 2, kaya todo sayaw ang mga economic manager sa Palasyo porke hindi sila nakontra sa gusto nilang mangyari.

‘Wait and see,’ naman ang mga negosiante dahil sa gagawing implementasyon ng Train 2, kaya naghahanda na rin sila sa taas presyong gagawin sa kanilang mga ibinebenta na produkto.

Kaya sigurado ang madlang people ay mag-iiyakan kapag nagkataon.

Sabi nga, huhuhuhu!

Isa raw sa dahilan ng pagtango ni Boss Digong sa kanyang mga alipores na ecowaste este mali economic managers pala ay dahil sa sunud-sunod na rollback sa petrolyo kasi raw malaki-laki ang ibinaba nito sa Philippines my Philippines.

Kailangang ipatupad ang Train 2 para may pagkunan ng pondo ang ‘build, build, build project’ ng Duterte administration at ibayad sa mga utang ng gobierno sa international partners na inutangan nila.

Naku ha !

Ano ba ito ?

Inaasahan ng madlang people ang taas presyo ng gasolina, this week kaya hihirit sila sa Malacanang na huwag munang ipatupad ang Train 2 next month baka kasi magtaasan muli ang presyo ng langis sa 2019 masiado na silang mababalda.

Sabi nga, huwag muna, please !

Mukhang mali ang prediction ni Budget Secretary Benjamin Diok­no kasi malaki ang ibinagsak ng presyo ng produktong petrolyo sa world market kaya sa palagay niya ay babagsak pa ang bababa pa ang presyo nito next year pero ang hindi niya nakita ay next week tataas ang presyuhan sa gasolina.

Hindi muna binigla ang presyo sa diesel baka lalong mag-iyakan ang madlang drivers ng pampublikong sasakyan.

 nakita ng Pangulo ang malaking halagang ibinagsak sa presyohan ng langis sa pandaig­digang pamilihan na inaasahang lalo pang sasadsad pagsapit ng Enero 2019.

Bumagsak sa US$68.00 per barrel ang halaga ng crude oil na dati ay US$80.00 kaya naman bumaba ang presyo ng petroleum products sa Philippines my Philippines at sa buong mundo.

Sabi nga, abangan ang muling pagtaas next year ?

vuukle comment

TAX REFORM FOR ACCELERATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with