^

Punto Mo

Traffic at cancer

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

IPINAHAYAG kamakailan ni Mary Claire Soliman, pangulo ng Philippine Medical Oncology, na ang traffic ay nagdadagdag sa pagdami ng mga kaso ng cancer.

Sinabi ni Soliman na bagaman ang paninigarilyo ang pangunahing dahilan ng lung cancer, nakakadagdag naman sa pagkakaroon ng ganitong sakit ang traffic.

Ipinaliwanag niya na, sa traffic, nalalanghap ng mga motorista at pasahero ang mga air pollutant o iba’t ibang dumi sa hangin kaya nakokompromiso ang kanilang mga baga at nalalagay sila sa peligro na magkarooon ng sakit na tulad ng lung cancer. Hindi nga lang dinetalye pero mahihiwatigang kasama rito ang mga usok ng mga sasakyan, usok ng mga naninigarilyo sa kalsada, at iba pang mga elemento sa hangin na masama sa katawan ng tao.

“Meron tayong tinatawag na carbon deposits sa ating mga baga kaya, sa halip na magkaroon tayo ng malinis at pink na baga, nagkakaroon tayo ng dumi sa baga at dito nagsisimula ang abnormalidad,” sabi niya sa isang pahayag kasabay ng paglulunsad ng LVNG With Lung Cancer, isang online resource portal para sa mga pasyente at programa na tumutugon sa mga stigma na nakakapit sa lung cancer na dahilan para hindi makapagpagamot ang pasyente.

Sabi pa ni Soliman, kapag nakompromiso ang baga, maaaring magkaroon ng mga cancer cell sa katawan.

Kaya hindi lang pagkaantala sa mga biyahe, nasasayang na oras, pagkahuli sa mga trabaho at klase, nauudlot na mga transaksyon at iba pa ang masasamang ibinubunga ng masisikip na daloy na trapiko kundi nakakasira sa kalusugan.

Isipin na lang ang implikasyon nito sa libu-libong katao na araw-araw na naiipit sa masisikip na trapiko sa EDSA at iba pang mga lugar sa Metro Manila at iba pang matatao at abalang mga kalunsuran sa bansa na matagal nabababad sa air pollution.  Tiyak na  apektado rito iyong mga driver at pasahero ng mga pampasaherong jeepney at maging mga pampasaherong ordinaryong bus na nakabukas ang mga bintana. 

• • • • • •

(Anumang reaksyon sa kolum na ito ay e-email sa [email protected])

 

vuukle comment

CANCER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with