^

Punto Mo

EDITORYAL - Walang karapatan sa PNPA ang malalaswa

Pang-masa
EDITORYAL - Walang karapatan sa PNPA ang malalaswa

PINATALSIK na sa Philippine National Police Academy (PNPA) ang tatlong kadete na pinag-oral sex sa harapan nila ang dalawang baguhang kadete (plebe). Tama ang ginawa sa tatlo. Hindi sila nararapat sa akademyang humuhubog sa mga kabataan para maging police officers. Mabuti at hanggang maaga ay nadiskubre ang kakaibang takbo ng utak ng tatlong kadete. Dapat pa nga hindi lang sila dapat patalsikin kundi kasuhan ng mga plebong inabuso nila. Ihayag din ang mga pangalan nila. Nangyari ang pagpapa-oral sex sa dalawang plebo nong Oktubre. Nakagawa umano ng kasalanan ang dalawa at ang parusa ay ang pagpapa-oral sex. Dahil sa takot, hindi na nakapiyok ang dalawang plebo.

Nang malaman ni PNP chief Director General Oscar Albayalde ang nakakahiyang ginawa ng tatlong kadete agad niyang pinag-utos ang im-bestigasyon. Sabi ni Albayalde, sisiguruhin niyang mapapatalsik ang tatlo. Hindi raw karapat-dapat sa akademya ang mga kadeteng gumagawa ng kabulastugan.

Lumabas ang hatol noong Lunes ang pagpapatal-sik sa tatlong kadete. Ganunman, binigyan sila ng 48 oras para magsumite ng motion for reconsideration.

Noong nakaraang Marso ng kasalukuyang taon, anim na bagong graduates ng PNPA ang binugbog ng mga junior cadets. Naganap ang pambubugbog makaraan ang seremonya ng graduation at kaaalis lamang ni President Duterte na panauhing pandangal.

Mabuti naman at mabilis ang paghatol sa mga kadeteng malalaswa. Sana maging aral ang pangyayaring ito sa iba pang kadete at huwag gayahin ang ginawa ng tatlong tila manyakis na sa ginawang pagpapa-oral sex.

Ano ang nangyayari sa ilang kadete ngayon at pati pagpapa-oral sex ay ipinagagawa. Gawain lamang ito ng mga hindi normal ang pag-iisip. Maaaring sabihin na gawain ng mga naka-droga. Salamat at napatalsik ang tatlong kadete at hindi na magiging pulis. Nakakatakot sila kung magiging pulis. Magbibigay sila ng dungis sa PNP.

vuukle comment

PNPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with