^

Punto Mo

Utol (67)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

BAGO pa maabot ni Ge-rald ang lalaking nakatayo at nagmamasid sa musuleo ay nakaalis na agad ito. Mabilis ang paglalakad at nawala sa mga malalaking musuleo. Nakatalikod ang lalaki kaya hindi niya nakita ang mukha nito.

Ilang saglit na pinagmasdan ni Gerald ang lugar na tinungo ng lalaki. Sundan kaya niya at kumprontahin kung bakit nakamasid ito sa musuleo. Bakasakaling abutan pa niya ito!

Pero hindi ginawa ni Gerald. Baka pain o patibong ang biglang pag-alis ng lalaki. Kapag sinundan niya, baka harangin siya at holdapin nito. Maraming modus ang mga criminal ngayon. Lahat ay ginagawa para makapagnakaw.

Baka siya mapahamak kapag sinundan ang lalaki. Ha-yaan na lamang niya.

Mahirap na walang guwardiya ang sementeryo. Pampubliko kasi ito. Balak nga niyang ili­pat ang mga magulang sa isang pribadong memorial park wala siyang pangam­ba.

Naisip din ni Gerald na maaaring balak pagnakawan ng lalaki ang musuleo kaya pinagmamasdan ito kanina. Maraming mananakaw sa loob gaya ng mga lalagyan ng kandila na imported. Mahal ang pagkakabili niya sa mga iyon.

Mahal din ang lapida ng kanyang papa at mama.

Marami pang manana­kaw sa loob ng musuleo.

Isang oras ding nanatili si Gerald sa musuleo para mabantayan ito.

Nang umalis, siniguro niyang nakakandado ang bakal na pinto.

IKINUWENTO niya kina Nanay Luisa at Nanay Julia ang pangyayari.

“Bigla pong umalis ang lalaki nang papalapit na ako sa musuleo!’’

“Baka magnanakaw yun. Uso ang nakawan sa semen-teryo ngayon!” sabi ni Nanay Julia.

Napa-diyos ko si Nanay Luisa.

(Itutuloy)

vuukle comment

UTOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with