^

Punto Mo

‘XIP’ sa BOC busisiin

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

NANINIWALA tayo sa mga tirada ni Senator Richard Gordon na sibakin ang mga nakatalaga sa x-ray inspection project sa Bureau of Customs para maiwasan na pagdudahan ang ilan sa mga ito na sangkot sa katiwalian.

Dito kasi sa x-ray machine sa MICP nakalabas ang billion of pesos worth ng shabu kaya maraming nagtaasan ang kilay kung paano ito nakalabas at hindi nakita ng mga x-ray machine operators.

Naku ha!

Bakit nga ba?

Ang karamihan ay tao sa x-ray machines sa aduana ay mga dating ‘haosiao’ sa bureau.  Sila ang mga utusan o runner ng mga customs officials partikular sa NAIA na kalimitan inuutusan sumalubong ng mga pasahero at bagahe rito.

‘Mas maangas pa silang umasta kaysa sa mga organic people sa bureau dahil marami na silang alam sa kalakarang nangyayari sa aduana partikular sa NAIA at iba pang lugar.’

Kung tutuusin karamihan sa mga itinalaga sa x-ray machines ay walang mga plantilla sa bureau.

Sabi nga, mga casual kaya kapag nagkaroon ng bulilyaso wala silang sagutin.

Naku ha!

Ano ba ito?

Ngayon si BOC Commissioner Jagger Guerrero na ang bahalang mag-decision making para kahit papaano ay mabawasan ang mga kurap sa bureau.

Para matiktikan ni Jagger ang operasyon sa aduana ay lagyan niya ng mga sundalo at counter intel ang mga sensitibong division sa customs partikular ang x-ray inspection program at paano gumagalaw ang mga job order people rito at mga kasamahan organic lalo na sa NAIA customs x-ray rooms.

Abangan.            

* * *

Si Dennis ‘suso’ ng BI

Sino itong bagong talagang opisyal sa Bureau of Immigration dyan sa main office na ayaw magbukas ng pinto ng kanyang opisina.

Dapat daw itong si alyas Dennis “suso” ay ipa-open niya ang pinto ng opisina niya na hindi mapapasok ng mga taong gusto siyang kausapin tungkol sa immigration matters.

Napaghihinalaan tuloy si alyas Dennis ‘ suso’ na panay ang bilang ng pera galing sa koleksyon ng mga bataan niya kapag may mga barkong dumarating ?

Naku ha !

Ano ba ito ?

Si alyas Dennis ‘ suso’ ay dati ng may problema sa kanyang mga kadsmahan sa immigration dahil nabuko itong kinukupit ang perang collection ng mga kasangga niya sa “union.’

Isinoli ni alyas ‘suso’ ang perang ninakaw ng sabihan siya ng mga kasamahan niyang opisyal na kakasuhan kapag hindi nito binalik ang kuartang tinira.

Marami ang nagtataka sa BI kung bakit ito pa ang na-promote sa inuupuan niyang puesto ngayon.

Abangan.

vuukle comment

RICHARD GORDON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with