^

Punto Mo

EDITORYAL - Matuto na sana ang mga pulis sa nangyari kay Kian

Pang-masa
EDITORYAL - Matuto na sana ang mga pulis sa nangyari kay Kian

DAPAT may makuha nang leksiyon ang mga pulis sa nangyaring pagpatay sa 17-anyos na si Kian delos Santos noong nakaraang taon. Tatlong pulis ang hinatulan ng habambuhay na pagkabilanggo dahil sa pagpatay sa tinedyer.

Mula nang maglunsad ng kampanya sa illegal drugs ang Duterte administration, nagmistulang mga asong ulol ang ilang pulis sa paghuli sa drug pushers at addict. Tokhang dito, tokhang doon ang ginawa. At hindi lang basta pag-tokhang sa mga pinaghihinalaang sangkot sa droga ang ginagawa kundi binabaril kahit nagmamakaawa na.

Nagmistulang binigyan ng lisensiya ang mga pulis para lipulin ang mga pinaghihinalaang drug pusher o maski ang mga addict. Nagpalakas sa kanilang loob ang binitawang pananalita ni President Duterte na tutulungan ang mga pulis na kakasuhan dahil sa pagpatay sa mga drug suspects. Ang resulta, sumobra ang pagpapakita ng suporta sa drug campaign kaya kahit mga kabataan na wala namang kasalanan ay hinuhuli at walang awang pinapatay.

Ganyan ang ginawa ng tatlong Caloocan police kay Kian. May nagnguso sa kanila na drug courier umano ang binatilyo kaya dinampot. Dinala sa isang makipot na eskinita malapit sa Tullahan at doon pinaamin. Pinagsasampal umano ito. Nagmakaawa si Kian sa mga pulis. Ayon sa mga nakasaksi, binigyan ng baril si Kian at sinabihang tumakbo. Nang ayaw tumakbo, binaril ito habang nakaluhod. Tatlong tama ng bala ang tinamo ni Kian – dalawa sa ulo at isa sa likod.

Habambuhay ang inihatol ni Judge Rodolfo Azucena ng Caloocan City Regional Trial Court (RTC) Branch 125 sa mga pulis na sina PO1 Jeremias Pereda, PO1 Jerwin Cruz at PO3 Arnel Oares. Nagmistulang mga maaamong tupa ang tatlong killer na pulis na malayung-malayo sa inakto nila nang damputin si Kian. Nakunan sila ng CCTV habang akay ang kawawang binatilyo.

Maraming pulis na ‘‘utak pulbura’’ na kahit nag­ma­makaawa na ang suspect ay pinapatay pa rin nila. Matutuwa ang taumbayan kung mahuhuli at mapaparusahan ang mga “utak pulburang” pulis katulad ng mga pumatay kay Kian. Sana, matupad ang pangako ni President Duterte hindi ipa-pardon ang tatlong killer na pulis.

vuukle comment

KIAN DELOS SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with