^

Punto Mo

Utol (61)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“SA palagay mo Gemo, uuwi pa si Xander? Baka naman hindi natin alam e hindi na pala uuwi riyan,’’ sabi ni Gerald.

‘‘Uuwi po ‘yun Sir Gerald. Siguro may nilalakad lang.’’

“Hindi kaya mag-aabroad?’’

“Hindi ko po alam. Pero siguro po ang tiyak, nasa Liliw siya. Yun po kasi ang hometown. Nabanggit na roon nakali-bing ang kanyang ina.’’

“May nabanggit ba sa kanyang ama?’’

“Wala po.’’

Natahimik si Gerald.

Maya-maya ay nagsalita uli.

“Basta kung darating siya, huwag mong mababanggit na may naghahanap sa kanya. Tayong dalawa na lang ang nakakaalam nito Gemo. Maaasahan ko ba?’’

“Opo, Sir Gerald.’’

“Salamat. Kapag nagkita tayo mayroon kang regalo sa akin.’’

“Naku huwag na po.’’

“Basta.’’

“Salamat po. Text agad kita Sir.’’

 

ISANG araw, dinalaw ni Gerald ang libingan ng kanyang mga magulang. Umusal siya ng dalangin sa mga magulang. At pagkaraan ay may inusal sa harap ng nitso ng ama.

Nagawa ko na ang iniuutos mo Papa pero hindi ko pa nakakaharap ang anak mo.  (Itutuloy)

vuukle comment

UTOL (

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with