^

Punto Mo

Tips to remember

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Ang balat ng saging (puting bahagi) ay mainam na ikuskos sa peklat para lumabo ito. Palipasin ang 5 minutes saka hugasan ang area na kinuskos ng balat ng saging.

Kapag nag-aaral ng bagong wika, mag-research kung ano ang 100 most frequently used words. Asahan mong ito ang madalas gagamiting salita sa kanilang pang-araw-araw na usapan.

Kung bibili ng kumot, ang size dapat ay “one size larger” sa size ng kama na tinutulugan mo.

Kapag nai-stress ka sa isang bagay, gamitin ang 10-10-10 rule: Makakaapekto ba ito sa aking buhay after 10 days? After 10 months? After 10 years? Nakakatulong din ito para ma-realize mo na wala ka palang dapat ipag-alala.

Ihanda na sa gabi ang isusuot kinabukasan. Mas nagi-ging maayos ang bihis kung nagplano ng advance.

Kailangan mo ng sources para sa iyong research paper pero pinagbawalan ng teacher na gamiting source ang Wikipedia. Ang ilagay mo ay sources na nakalista sa ilalim ng Wikipedia.

Kung nako-conscious ka na baka mapautot nang ma-lakas habang umeebs ka sa public restroom, magpatugtog ka ng music gamit ang cell phone.

Kung naglalakad sa sidewalk at maraming tao ang iyong makakasalubong, bagalan mo ang lakad para ‘yung mga kasalubong mo ang magbibigay sa iyo ng space para may madaanan ka.

Kung may tumatalak at ayaw tumigil, magbagsak ka ng isang bagay na magbibigay ng ingay. Mapapatigil siyempre ang talakera kaya may chance nang magsalita ang kanyang kaaway.

Mas magandang pakinggan kung sisimulan mo ang iyong pangungusap ng : “Ang impresyon ko ay…” kaysa “Ang akala ko ay…”

vuukle comment

SAGING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with