^

Punto Mo

Utol (59)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NABAHALA ang dalawang matanda sa sinabi ni Gerald na basagulero at sanggano ang anak ni Catalina na nagngangalang Xander. Sa pakiwari ni Gerald, malaki ang galit sa mundo kaya naging palaaway sa kapwa.

“Hindi kaya kapag nagkita kayong dalawa ni Xander ay magalit sa’yo at kung ano ang gawin?” tanong ni Nanay Luisa.

“Oo nga Gerald!” sabi naman ni Nanay Julia.

“Hindi kaya pag-isipan mo munang mabuti kung tama ba ang gagawin mong pakikipag­kita kay Xander. Kasi natatakot ako sa mangyayari. Ang mga tao raw na may galit sa mundo ay walang nakikilalang katwiran.’’

“Pero kailangan pong tuparin ko ang habilin ni Papa. Naipangako ko po.’’

“Kahit na masaktan ka o may mangyaring hindi maganda?’’

“Mag-iingat na lang po siguro ako, Nanay Julia. Kapag nakausap ko na siya at nasabi nang lahat ang mga habilin ni Papa, aalis na ako. Tapos na ang obligasyon ko. Wala na akong iisipin. Kasi po’y makokonsensiya ako kapag hindi natupad ang habilin.’’
“Sabagay pero natatakot talaga ako. May phobia na ako sa mga taong basagulero. Kung maari ay ayaw kong makakita ng taong basagulero.’’

Nagsalita si Nanay Lui­sa.

“Siguro naman ay hindi magiging marahas si Xander dahil…’

“Dahil ano, Luisa?” tanong ni Nanay Julia.

“Dahil kapatid niya si Gerald. Si-yempre matimbang pa rin ang dugo kaysa tubig.’’

“Pero alam ba niya na kapatid niya si Gerald? Di ba unang pagkikita lang nila?’’

Napamaang si Nanay Luisa. Oo nga. Unang pag­kikita pa lamang ng dalawa.

“Ipagdasal na lang natin na walang masamang mangyari,’’ sabi ni Nanay Luisa.

“Mabuti pa nga,’’ sang-ayon ni Nanay Julia.

DALAWANG araw ang nakaraan at naghihintay si Gerald sa text ni Gemo. Pero wala siyang natatanggap.

Hanggang lumipas ang isang linggo.

Wala pa ring text.

Nag-isip na si Gerald. Bakit kaya wala pang mensahe si Gemo. Baka niloloko lang siya ni Gemo!

(Itutuloy)

vuukle comment

UTOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with