^

Punto Mo

BI, DOLE bubusisiin ng Senado sa isyu ng Chinese workers

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

KUNG talagang gustong tulungan ng mga mambabatas ang Bureau of Immigration siguro panahon nang baguhin nila ang batas kasi nga naman ang sinusunod pa ng mga taga-immigration ay ang batas na ginawa noong pang 1940.

Sabi nga,  antique na ito!

Masaya ang madlang people partikular ang mga pinoy workers sa Philippines my Philippines dahil magsasagawa ng imbestigasyon con hearing ang Senado para mabusisi kung bakit sangkaterbang Chinese workers ang nandito at nagta-trabaho.

Ok lang sana ito kung hindi apektado ang mga pinoy workers partikular iyong mga unskilled workers natin dahil nadedehado sila porke ang nabibigyang prioridad ay ang mga ‘China man.’

Bakit?

Iyan ang tanong na sasagutin ng mga opisyal natin sa gobierno oras na kinalkal ng Senado ang mga pa-bright-bright.

Maraming China man ang nasa Philippines my Philippines at makikita silang nagta-trabaho na katulad ng tina-trabaho ng mga pinoy workers pero ang masama ang huli ang nawawalan ng pag-asang makapag=trabaho.

Totoong gumagastos ang mga China man sa Philippines my Philippines kaya malaking tulong din sila sa ekonomiya natin pero paano ang mga pinoy workers na hindi makakuha ng trabaho?

Ika nga, gugutumin ang mga pamilya nito!

Sabi sa Immigration, ang requirements for tourist sa lahat ng mga foreigners na pumapasok dito ay valid visa kung kailangan nilang bisahan, genuine passport ang ibig sabihin sila ang totoong may-ari ng passport at airline return ticket.

Ika nga, ito lang para makapasok ang mamasyal bilang turista ang mga banyaga.

Kung gusto ng mga China man na  magtrabaho dito kailangan nilang kumuha sa DOLE ng ‘Alien Employment Permit’ o AEP at pagkatapos ay sa Bureau of Immigration para sa working permit.

Kailangan mag-tally ang bilang ng dalawang ahensiya ng gobierno kung ilan ang binigyan nila ng permit.

HIndi sila makakalusot dahil may paper trail ito kung paano nangyaring biglang dumami ang mga China man na working dito.

Kung illegal ibig sabihin walang papel kung legal may papel kung paano dumami iyan ang problemang dapat kalkalkin ng Senado.

Abangan.

* * *

Bohol - Panglao International Airport

Pasisinayan ngayon ang bagong Bohol-Panglao International Airport. Si Boss Digong ang panauhin pandangal dito.

Inilunsad ang konstruksiyon ng Bohol-Panglao International Airport, na may mga internasyonal na pamantayan ito ay sa pakikipagtulungan sa Pamahalaan ng Japan at pagpopondo ng suporta mula sa Japan International Cooperation Agency o JICA.

Ang bagong airport ay unang eco-airport sa Philippines my Philippines, ipagmamalaki ng paliparang ito ang kanyang kumpletong pasilidad at nagtatampok ng green at sustainable na kaayusan, tulad ng solar panels at motion sensor lighting echetera.

 Ginastusan ang bagong Bohol-Panglao International Airport ng P8,914 bilyong at ginawa sa may 220-ektaryang site sa Panglao Island, 10 beses na mas malaki kaysa sa 22-ektaryang lupain sa Tagbilaran Airport area.

Kung ikukumpara sa Tagbilaran Airport 400 pasahero capacity lamang ito samantala ang bagong Bohol-Panglao International Airport maaaring magkaroon ng hanggang sa 650 mga pasahero sa panahon ng peak hours.

Ang Panglao ay isa sa mga pinaka-popular at pinakamabilis na lumalagong mga destinasyon holiday sa Philippines my Philippines ipinagmamalaki ang marilag na beaches at diving spot.

Ano pa ang inaantay ninyo ?

Magbakasyon na dito !

vuukle comment

BUREAU OF IMMIGRATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with