^

Punto Mo

Lalaki sa Netherlands arestado dahil sa ‘money laundering’

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

LITERAL na money laundering ang ikinaso sa isang lalaki sa Netherlands na inaresto matapos madiskubre ang 350,000 euros (katumbas ng P20.8 million) na nakatago sa loob ng kanyang washing machine.

Ayon sa mga pulis, hinahalughog nila ang isang bahay sa western Amsterdam noong isang linggo para manghuli ng mga illegal alien nang matagpuan nila ang limpak-limpak na salapi sa loob ng washing machine.

Kita sa larawang in-upload sa website ng pulisya roon ang bungkos ng mga tig-20 at 50 euros na nakasuksok sa pinaglalagyan ng labada.

Bukod sa pera, natagpuan din ng mga pulis ang isang money-counting machine, isang baril at ilang cell phone.

Hindi na pinangalanan ang 24-anyos na suspek, alinsunod sa batas ng Netherlands.

vuukle comment

MONEY LAUNDERING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with