^

Punto Mo

Radiation balakid sa biyaheng Mars

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

Maaaring nakarating na ang tao sa buwan at nakabalik sa daigdig nang ligtas pero iba na ang sitwasyon kung sa planetang Mars na magtutungo ang mga astronaut. Marami pa kasing balakid at problemang hindi pa nasosolusyunan ng mga dalubhasa sa astronomiya at ng iba pang mga scientist kaugnay sa napakahaba at mapanganib na biyahe patungo sa pulang planeta. Isa na rito ang radiation sa kalawakan.

 

Sa isang bagong pag-aaral na nalathala kamakailan sa Proceedings of the National Academy of Sciences, iminungkahi nito na kailangan munang tignan ng tao ang kanyang sarili bago tumuloy sa pagtungo sa Mars kasabay ng pahiwatig na sino mang bibiyahe nang napakatagal sa kalawakan ay namemeligrong magkaroon ng sakit na kanser.     

Sa naturang pag-aaral, ipinaliwanag ng mga researcher ng Georgetown University Medical Center kung paanong ang radiation sa kalawakan ay sumisira sa bituka o gastrointestinal tissue.  Tinutukan ng pag-aaral ang masamang epekto ng heavy ion radiation na sa living tissue at ang epekto ng mga particle nito sa sikmura at colon na namemeligrong tamaan ng sakit na kanser. Mapalad lang anila ang tao sa daigdig dahil sa magnetic field nito na nangangalaga rito laban sa pambobomba ng radiation mula sa kalawakan. Pero hindi nga raw ganito ang mangyayari sa mga bibiyahe patungo sa Mars.

At hanggang sa kasalukuyan, wala pa umanong natutuklasang solusyon para pangalagaan ang mga astronaut sa klase ng cosmic radiation na makakasagupa nila sa pusod ng kalawakan.

Ipinahiwatig ni Kamal Datta, co-author ng pag-aaral, mas matindi ang radiation na kakaharapin ng mga bibiyahe ng napakatagal papunta sa Mars kaysa sa level ng radiation sa maiikling biyahe tulad ng pagtungo ng mga astronaut sa Buwan noong araw.

Pangunahin anyang mas mahalaga ang kaligtasan ng mga unang tao na magtutungo sa Mars tulad ng pagtitiyak na magiging maayos ang kalusugan ng mga ito.

vuukle comment

ASTRONAUT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with