^

Punto Mo

Utol (54)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAGKAROON ng inte­res si Gerald nang ma­laman na alam ni Gemo kung saan nakatira si Xander.

“Saan siya nakatira, Gemo?’’

“Dun sa dulo ng kalyeng ito! Pero wala nga si Sir Xander. Hindi ko nga alam kung bakit biglang nawala. Dati nagpapaalam sa akin. Baka mayroong pinagkakaabalahan kaya biglang nawala.’’

“Puwede mo akong samahan para makita ang bahay niya?’’

‘‘Oo. Halika. Lakarin na lang natin o gusto mo mag-traysikad tayo.’’

“Lakarin na lang natin. Baka meron kang gagawin e naabala kita.’’

“Wala. Patambay-tambay lang ako. Kapag may nagpapapintura ng gate rito tinatawag ako o kaya nagpapatapal ng bubong. Pero tapos ako ng pagsi-seaman. Hindi pa lang ako makasakay ng barko.’’

“Paano mo nakilala si Xandcr?’’

‘‘Aksidente lang. Lumabas ako ng gabing yun para bumili ng gamot para sa nanay ko. Nakita ko na naglalakad si Sir Xander dun sa kanto. May mga nag-iinuman at kinursunada siya. Ang ganda kasi ng katawan ni Sir Xander kaya pansinin ng mga tambay. Nilapitan siya ng isang siga at uupakan ng suntok pero mahusay palang manuntok si Sir Xander parang yung sa UFC fighter na mixed martial arts. Bumaliktad yung susuntok sa kanya nang patamaan niya sa panga. Hindi nakabangon. Nang sumugod ang isa pa, inupakan niya ng sipa – front kick – talsik! Pero may isang nagbunot ng patalim at inundayan si Sir Xander. Balewalang inagaw ni Sir Xander ang patalim at saka sunud-sunod na sinuntok sa mukha. Duguan nang bitawan. Natakot ang iba pa at nagtakbuhan.’’

“Walang dumating na pulis?’’

“Wala.’’

“Anong ginawa ni Xander?’’

“Nagpatuloy lang sa paglalakad. Sinundan ko naman siya para makilala. Humanga kasi ako sa kanya.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

UTOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with