^

Punto Mo

Gang war ng mga kabataan, tutukan!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Ipinanawagan na natin para ma-respondehan ng mga kinauukulan partikular nga ng DSWD ang mga paslit na nagkalat sa lansangan na namamalimos at nangangaroling.

Kasi nga’y nahaharap ang mga ito sa matinding panganib sa lansangan na maaaring sa huli’y pagsisihan.

Ngayon naman ang mga opisyal ng pamahalaang lungsod o lokal ang ating kakalampagin, isama na rin ang kapulisan at mga barangay officials sa lumalalang mga gang war ng mga kabataan sa gabi sa mga lansangan.

Ito ang isa pang panganib at problema na kinakaharap ng mga kabataan o menor de edad na hatinggabi na’y laman pa ng kalye.

Ito yung may mga grupo-grupo o gang na sinasalihan at mistulang kailangan talagang sumangkot sila sa pakikipag-away sa iba o kalaban nilang gang.

Kontodo pa armas ng mga ito, riot sa kalye kapag nagkasalubungan.

Kamakalawa lamang nagrambulan ang magkalabang grupo ng kabataan sa may P. Paredes ar S.H. Loyola sa Sampaloc.

Minsan naman hindi riot ang kinasasangkutan, komo nga tambay, minsan naman ay may kinukursunada ding kapwa nila kabataan. Kahit walang atraso sa kanila gaya nang nangyari kamakalawa rin ng gabi sa Navotas City.

Pinagtulungang bugbugin at saksakin ng 4 na menor de edad ang isa ring minor na 13-anyos na estudyante.

Bago ito, noon ding nakalipas na Martes isa ring binatilyo ang sinaksak ng kapwa niya minopr sa may C3 Road.

Marami pa ang ganitong mga insidente, na mga menor de edad ang nasasangkot sa madugong karahasan sa lansangan partikular sa magdamag.

Kaya nga panawagan ng marami lalu na sa mga lungsod o bayan na may ipinatutupad na curfew sa mga kabataan, dapat itong paigtingin ng hindi mawalangsibi ang ganitong mga ordinansa.

May mga ordinansa nga hindi naman ramdam, ningas-kugon lang.

Unang -unang inaasahang gagalaw o kikilos dito ang mga opisyal sa barangay dahil sila ang mas nakakakilala o nakakaalam sa mga lugar na tambayan ng mga kabataan. Hindi na yata nagpapatyrulya ang mga ito, nagtutulog na lang yata sa brgy. hall at doon lang nag-iintay ng mga sumbong.

vuukle comment

DSWD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with