^

Punto Mo

DSWD dapat kumilos!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Ngayong papalapit na talaga ang holiday season, hindi na bago sa tanawin sa mga lansangan ang mga paslit na namamalimos, nangangaroling sa mga motorista.

Eto ha, baka nabubulag-bulagan dito ang mga kinauukulan lalo na ang mga opisyal sa pamahalaang lungsod at ang pamunuan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at sa huli saka na naman nandon ang pagsisisi.

Tumitindi na naman ang paglipana sa lansangan na mga paslit, minsan ang ilan ay may karga pang beybi.

Imbes na maawa ka, maiinis ka dahil nasaan ba ang mga magulang ng mga batang ito at pinababayaan sa lansangan ang kanilang mga anak.

Ang ilan naman ay kadalasang nakikipaghabulan pa sa mga pampasaherong sasakyan na kanilang sasampahan, ang ilan nakasabit at nakalambitin kahit pa nga tumatakbo ang mga sasakyan.

Si Mamang driver naman, kahit nakikita niyang nakasabit sa jeep nya ang mga paslit, mistulang wala ring pakialam at hindi nababahala na baka makabitiw, mahulog at masagasaan ang mga ito.

Ang pinupunto natin dito ay ang kinakaharap na matinding panganib sa mga paslit.

Dapat ding hanapin at alamin ng mga kinauukulan at papanagutin ang mga magulang ng mga batang ito dahil sa kapabayaan.

Huwag na sanang may mangyaring matinding aksidente o disgrasya bago na naman ito mapagtuunan ng pansin.

Kapag may naganap na disgrasya at saka doon na naman magkukumahog sa pagsasagawa ng mga imbestigasyon, doon magsisisihan.

Bakit hindi ngayon pa lamang ay gumawa na nang hakbang para mapigilan ang anumang banta ng disgrasya sa lansangan sa mga naglipang paslit at kabataan.

vuukle comment

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with