^

Punto Mo

EDITORYAL - Malaking hamon sa PNP chief

Pang-masa
EDITORYAL - Malaking hamon sa PNP chief

NAGDIWANG ng kanyang 55th birthday si Philippine National Police (PNP) chief Director General Oscar Albayalde noong nakaraang linggo. Ibig sabihin, magreretiro na siya sa susunod na taon pagsapit ng ika-56 na kaarawan.

Mula nang pamunuan ni Albayalde ang PNP, maraming nangyaring pagbabago. Maraming police scalawags ang nasibak. Maraming tutulug-tulog ang nagising. Pero sa kabila nang paghihigpit ni Alba-yalde, marami pa rin ang nagbibigay ng dungis sa PNP. Hindi maubus-ubos ang nagpapasakit ng ulo ng PNP chief.

Ang matindi ay ang pagkakasangkot ng mga pulis sa illegal drug trade. Ayon sa report, umaabot sa 1,700 pulis ang sangkot sa illegal drugs sa kasalukuyan. Nagpapakita lamang sa bilang na ito ang lawak ng problemang hinaharap ng PNP chief. Paano niya madadakma ang mga pulis na ito.

Kung ganito karami ang mga pulis na sangkot sa droga, mahihirapan si President Duterte na linisin sa droga ang bansa sapagkat mismong mga pulis pa ang lumalabag dito. Ang mga pulis pa naman ang inaasahan ng Presidente na makakatulong niya para mawakasan ang droga sa bansang ito. Kaya nga niya nilakihan ang suweldo ng mga ito ay para hindi na gumawa ng illegal pero mali ang nangyayari ngayon. Lalo pang naging masahol ang mga pulis sa paggawa ng kasamaan.

Madalas pa namang ipagmalaki ng Presidente ang mga pulis at pinangakuan pa na kung magkakaroon ng kaso ang mga ito sa pagsasagawa ng drug operation, siya ang bahala. Ibig sabihin, ipagtatanggol niya.

Bukod sa pagkakasangkot sa drug trade, namumutiktik din sa iba pang kaso ang mga bagitong pulis. Pawang Police Officer 1 (PO1) ang nahaharap sa mga kasong rape. Kagimbal-gimbal ang ginagawa ng mga PO1 na ginagahasa ang naaaresto nilang babaing suspek o di naman kaya, ito ang ginagawa nilang pamalit para mapalaya ang magulang o asawa ng inaresto nilang suspek.

Malaking hamon sa PNP chief ang mga pulis na sangkot sa droga. Makaya kaya niyang linisin ang PNP bago siya magretiro? Sana magawa niya.

vuukle comment

OSCAR ALBAYALDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with