^

Punto Mo

Narco-politicians imbes isapubliko sampahan na lang ng kaso!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Kung ang Department of Interior and Local Governmemt (DILG ) ay desididong isapubliko ang pangalan ng mga nasa narco list bago sumapit ang midterm elections sa susunod na taon, iba naman ang pananaw dito ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Nabanggit ni PDEA Director General Aaron Aquino na kung siya ang tatanungin mas nais niyang huwag nang isapubliko ang pangalan ng mga narco-politicians, kundi mas mabuti na lamang na masampahan ng kaukulang kaso ang mga ito.

Ang narco list ay naglalaman ng mga pangalan ng local government officials mula congressmen, mayor, vice mayor at iba pa.

Bago pa man kasi ang filling ng certificate of candidacy ng mga kandidatong tatakbo sa midterm elections sa susunod na taon, iginiit na ng DILG sa Comelec na idisqualify ang mga politikong korap at dawit sa ilegal na droga.

Nakahanda pa nga silang magbigay ng listahan sa Comelec para rito, gayunman, sakaling tanggihan ito ng komisyon, nais nilang isapubliko na lamang ang pangalan ng mga poilitikong nasa narco list para mabigyang gabay ang mga botante, gaya ng nangyari noong maganap ang barangay elections.

Kailangan daw kasing makilala ng mga botante ang kanilang mga iboboto.

Pero umani naman ng kabi-kabilang batikos ang naturang panukala lalu na nga ang hiling na pag-dikuwalipika sa mga nasa narco list.

Uncomstitutional raw ito , dahil ayon sa mga eksperto ang pagdiskwalipika sa kandidato ay dapat galing judiciary o korte.

Mas mainam nga yata na mangalap na lamang ng matibay na ebdensya laban sa mga ito at pagkatapos at isampa ang kaso.

Ika nga, sa korte na sila magpaliwanag, bahala na ang korte ang tumimbang sa kanilang kaso.

Tutal malamang na kilala na rin naman ng mga botante kung ano ang pagkatao ng mga politiko sa kanilang lugar, sila na rin lang ang bahalang humusga kung sino ang nais nilang iluklok.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with