^

Punto Mo

Siksikang piitan, solusyunan!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Panahon na para matutukan ng mga kinauukulan ang siksikang kulungan sa bansa.

Aba’y ang mga maraming bilanggo hindi na umabot sa kanilang sentensya at sa piitan pa lamang ay nasawi na.

Hindi sa mga rambol na kinatatakutan sa loob, kundi  nasawi ang ilan dahil sa siksikang mga bilangguan at hindi na kinakaya ang init at masamang kondisyon sa loob.

Ang nakakalungkot dito, paano kung sa paglilitis pala ng kanilang kaso eh napatunayan na wala silang kasalanan, pero ika nga huli na dahil hindi na nga sila umabot sa paghatol sa kanilang kaso.

Kung makikita lang ang maraming piitan sa bansa, doon mapagtatanto kung gaano kabagal ang paglilitis sa mga kaso.

Nadadagdagan araw-araw ang napipiit, naiipon hanggang pinipilit na lamang na ipiit ang mga ito sa mga bilangguan kahit sobra-sobra na ang kapasidad ng lugar.

San ka naman nakakita na ang mga bilanggo ay halos hindi na nakakahiga, natutulog nang nakaupo, minsan pa nga ay halos magkapalitan na ng mukha. Wala ng espasyo para makahinga.

Ganyan ang  kalagayan ng maraming piitan sa bansa na matagal nang pinag-uusapan kung paano masosolusyunan, pero hanggang ngayon ay wala pa ring katiyakan.

Lalo pa itong nadagdagan dahil sa matinding kampanya ng gobyerno sa illegal drugs kung saan libu-libo ang nahuli, sumunod pa ang kampanya at pagdampot sa mga lumalabag sa mga city ordinance.

Dapat mabigyan ng pansin ang mga kaso ng nasa loob, yung iba maliliit na kaso na kinasasangkutan ng ilang preso na hindi agad naisasailalim sa pagdinig, matagal ang pag-iisyu ng commitment order ng mga korte para mailipat na sana ang ilan sa malalaking bilangguan kung napatunayang nagkasala o kung hindi man mapalaya na nang hindi na nakakadagdag sa paglobo  ng bilang sa piitan.

Maging sa piitan ng mga kababaihan, sinasabing ganito rin ang nagiging problema ang masakip na lugar at malaking volume ng nakapiit.

Hindi na kasi bago sa Pinas na ang isang kaso, bago madesisyunan aabot ng ilang taon, masuwerte na kung abutin lang to ng isang taon, pero karamihan mas maraming taon bago mahatulan.

Magkaganunman, marahil makaisip muna kung ano ang mabilis na paraan para ito masolusyun, kabilan na dito ang paggawa pa ng malalaki pang bilangguan. Isunod na rin ang sa panig ng hudikatura na mabigyan pansin ang mga pagdinig sa kaso na hindi natutulog ang kaso sa mahabang panahon.

 

 

vuukle comment

SENTENSYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with