^

Punto Mo

Teenager sa China, na-solve ang 3 rubik’s nang sabay-sabay

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG teenager sa China na may hawak ng dalawang Guinness World Records ang nakapagtala ng dalawa pa sa pamamagitan ng pag-solve sa Rubik’s cubes sa kakaibang paraan.

Inobserbahan ng isang Guinness adjudicator ang residente ng Xiamen na si Que Jianyu habang sino-solve niya ang tatlong Rubik’s cubes nang sabay -- isa sa bawat kamay at isa pa sa isang paa -- at sa loob lamang ng 1 minuto at 36.39 segundo.

Hindi pa roon natapos ang pagpapakitang gilas ni Que dahil matapos niyang ma-solve ang 3 Rubik’s Cube ay sumabit naman siya nang patiwarik sa isang bar at nagtala ng bagong world record para sa pinakamaikling oras sa pag-solve sa isang Rubik’s cube habang nakasabit. Nagawa niya iyon sa loob lang ng 15.84 seconds, na mas mabilis ng 1.6 segundo sa dating record holder.

Nagawa raw ni Que ang lahat nang ito matapos niyang aralin at kabisaduhin ang iba’t ibang paraan ng pag-solve sa Rubik’s Cube. Mukha lang daw madali ang kanyang ginagawa dahil milyun-milyong beses na niyang inensayo ang mga ito, paliwanag pa niya sa opisyal ng Guinness.

vuukle comment

RUBIK CUBES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with