^

Punto Mo

Oumuamua: Asteroid o alien spaceship?

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

NAG-VIRAL nitong nagdaang linggo ang resulta ng pag-aaral ng dalawang Harvard scientist sa isang kakaiba at mala-king bagay o bato na hugis sigarilyo na nasilip sa telescope noong Oktubre 2017 na pumapasok sa ating solar system.

Lumikha ng intriga ang naturang pag-aaral ng chairman ng astronomy department ng Harvard University na si Avi Loeb at ang kanyang fellow post-doctoral fellow na si Shmuel Bialy dahil sa konklusyon nila na maaaring ang naturang bagay ay isang sasakyang pangkalawakan ng ibang nilalang mula sa ibang planeta na naniniktik sa solar system at sa ating Daigdig.

Tinawag na Oumuamua (Scout sa salitang Hawaiian) ang naturang space object na dahil sa kakaibang hugis, galaw at bilis ay ipinalagay ng naturang mga scientist na maaaring isang alien spacecraft at nagmula sa isang sibilisasyon mula sa ibang nilalang na namumuhay sa napakalayong sulok ng kalawakan. Ginagawa rin nilang basehan ang bilis ng lipad nito na maaaring gumagamit ng artificial light sail na umaasa sa solar radiation para umandar. Pero mukhang hindi na malalaman kung ano talaga ang Oumuamua dahil umalis na rin agad ito palayo sa solar system.

Pero hindi umano kinakagat ng ibang astronomy expert ang kanilang konklusyon.

Ayon kay Alan Fitzsimmons, astrophysicist ng Queens University, Belfast, ang naobserbahang katangian ng Oumuamua ay umaangkop pa rin sa isang comet-like body na nagmula sa ibang star system. Pinagbatayan din anya ng ilang argumento sa pag-aaral ang mga bilang na walang mga katiyakan.

Para kay Andrew Siemion, director ng Berkeley SETI Research Center, nakakaintriga ang naturang pag-aaral. Sabi naman ni SETI Senior Astronomer Seth Shostak, hindi dapat maging bulag sa pagtanggap sa clever hyphothesis na ito dahil meron namang paliwanag para sa Oumuamua – Isa itong comet o asteroid.

 

 

vuukle comment

ALIEN SPACESHIP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with