^

Punto Mo

EDITORYAL - Pakikipag-giyera ni Guerrero sa mga korap sa BOC

Philstar.com
EDITORYAL - Pakikipag-giyera ni Guerrero sa mga korap sa BOC

NANG maupo si bagong Customs commissioner Rey Leonardo Guerrero noong nakaraang linggo, nagbabala agad siya sa mga sisira sa kanyang pangalan. Huwag daw itong gagawin. Hindi rin daw niya pahihintulutan ang ‘‘tara’’ na naging kaugalian na sa BOC. Seryoso ang tinig ni Guerrero at handang makipagdigma sa mga matatakaw sa BOC. Nasa kanyang tinig ang pahiwatig na tapos na ang mga araw ng mga tiwali.

Marami nang naging commissioner ang BOC at lahat sila ay pawang nabigo na pigilan ang korapsiyon doon. Wala ni isa mang commissioner na tumatak sa isipan ng mamamayan na nakapagpahinto sa mga “matatakaw”. At maski ang commissioner mismo ay nasasangkot sa katiwalian.

Kilala ang BOC na pinaka-corrupt na tanggapan. Napabalita noon na maski ang janitor at police doon ay nakakakamal ng salapi. May mga janitor umano na nagmamay-ari ng ilang pinto ng paupahang apartment at may dalawang kotse. Matagal na ring kalakaran sa Customs ang tinatawag na “tara” kung saan ay nagpaparte-parte ng kita ang mga korap na opisyal at empleado.

Ang pinakamatinding nangyayari ngayon sa Customs ay nakalulusot o pinalulusot ang illegal drugs particular ang shabu na nagkakahalaga ng bilyong piso. Kung noon ay inihahalo ang shabu sa mga kargamentong gaya ng prutas o mga pagkain para hindi ma-detect, ngayon ay iba na. Inilalagay na ang shabu sa magnetic lifters para mas marami ang maipasok sa bansa. Hindi na sila nasisiyahan sa pakonti-konting puslit kaya nakaisip ng panibagong paraan na mala-king bulto ang maipapasok.

Ganito ang nangyari kaya nagkaroon ng biglaang pagpapalit ng pinuno sa Customs. Inilipat si dating Commissioner Isidro Lapeña sa TESDA.

Nagdeklara na si Guerrero ng pakikipaggiyera sa mga korap. Ito ang aabangan ng taumbayan na sawang-sawa na sa nangyayaring katiwalian sa BOC. Sana nga siya na ang makakalipol sa mga korap at makakapigil sa pagpasok ng illegal drugs. Patunayan niya na kakaiba siya sa mga dating BOC commissio-ners. Lipulin ang mga tiwali sa Customs.

vuukle comment

BOC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with