^

Punto Mo

EDITORYAL - Protektahan ang mga magsasaka

Pang-masa
EDITORYAL - Protektahan ang mga magsasaka

BABAHA na ang imported na bigas sa mga palengke. Hindi na raw mahihirapan ang mamamayan. Wala na raw pipila para lamang makabili ng bigas. At maaaring bumaba pa umano ang presyo dahil maraming pagpipilian ang mga tao.

Magandang balita ito para sa mamamayan na halos anim na buwan ding nahirapan para makabili ng bigas. Pati NFA rice ay kinapos at marami ang dumaing sapagkat mahal na nga ay wala pang mabili. Pero meron ding maaapektuhan nang pagbaha ng imported rice. Ito ay walang iba kundi ang mga maliliit na magsasaka. Sa pagdagsa ng imported rice, maaring wala nang bumili ng kanilang sariling ani. Mas mura raw kasi ang imported na bigas kaysa sa local.

Kung magkakaganito, paano na ang buhay ng mga local na magsasaka na malaki ang ginastos para makapagprodyus nang magandang ani. Karamihan sa local farmers, inutang ang pambili ng binhi, ferti-lizer, insecticide at iba pa. Kung ibebenta nang mura ang kanilang ani, paano sila kikita at mababayaran ang utang.

Sabi naman ng Department of Trade and Industry (DTI), mas maganda na raw na maraming bigas sa bansa kaysa naman kulangin. Mas maganda rin daw na dumagsa ang bigas sapagkat maaaring bumaba na ang presyo. Papabor ito sa mga karaniwang mamamayan na kakarampot ang suweldo at kung bumili ng bigas ay pakonti-konti lang.

Sinabi rin ng DTI na hindi dapat mabahala ang mga local na magsasaka sa pagdagsa ng imported rice sapagkat bibigyan ng insentibo ang mga ito. Itinaas din daw ng National Food Authority (NFA) ang presyo ng palay na kanilang binibili sa mga magsasaka. Sa kasalukuyan, binibili nila sa halagang P20.70 ang bawat kilo ng palay.

Hindi ba puwedeng itaas pa ng NFA ang pagbili nila sa palay ng mga magsasaka para madali namang makabawi ang mga ito sa nagastos? Gaano na ang P20 bawat kilo? Maliit ito. Baka hindi pa makasapat sa mga inutang ng magsasaka. Bakit hindi gawing P30 para naman madaling mabawi ang nagastos. Kung tataasan ang presyo, hindi na gaanong mangangamba ang mga magsasaka kahit pa dumagsa ang imported na bigas.

Maganda ang maraming bigas sapagkat mara-ming pagpipilian ang mamamayan. Pero dapat din namang tingnan kung masasagasaan ang mga maliliit na magsasaka. Dapat silang protektahan sa pagkakataong ito. Bumabaha nga ang bigas subalit nasasagasaan naman ang sariling produkto. Hindi ito maganda.

vuukle comment

NFA RICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with