^

Punto Mo

May lotto na noon pa

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

SA Ingles, “Poor man’s dream o kaya ay “a casino without walls” ang tawag sa lotto.

Matandang laro na ang lottery. Kasingtanda nito ang arithmetic. Ayon sa pinagpasa-pasahang kuwento o mula sa Bibliya, inutusan daw ng Diyos si Moses na gamitin ang sistema ng lottery para mapaghatian ang lupa malapit sa Jordan River. Matutunghayan daw ang kuwentong ito sa Book of Numbers. Nabanggit din ang lotteries sa Joshua, Leviticus at Proverb.

May lottery na sa China kahit pa noong panahon ng mga dynasty. Ang mandirigmang si Cheung Leung ay nagpauso ng number game upang magkaroon siya ng pondong pansuweldo para sa kanyang army. Ang number game na inimbento niya ay ang tinatawag ngayong Keno. Saan-saan pa gumamit ng lottery? Gumamit ng lottery upang magkaroon ng pondo sa pagpapagawa ng Great Wall of China; si Augustus Caesar ay pinayagang magtayo ng lottery upang magkaroon ng pondo para sa public work projects ng Rome. Noong 1466, nagtayo ng lottery sa Bruges Belgium para makaipon ng pondo para sa mahihirap na mamamayan. Sa kanila nagsimula ang paggamit ng lottery para makatulong sa mahihirap.

Ginamit ng ibang American leaders ang lottery upang “kumita” para sa kapakipakinabang na proyekto o sa pansariling kapakinabangan. Si John Hancock ay nagtayo ng lottery para maipagawa ang Boston’s Faneuil Hall. Si Benjamin Franklin ay para may maipambili ng kanyon para sa Continental Army. Si George Washington ay para maipagawa ang kalsada sa West Virginia. Pero si Thomas Jefferson ay nagtatag ng lottery para sa pansariling kapakanan: para magkapera na ipambabayad ng kanyang mga personal na utang.

vuukle comment

LOTTERY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with