^

Punto Mo

PNP scalawags hindi tatantanan!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Mukhang mahaba-haba at magtatagal pa bago tuluyang mawalis sa hanay ng Philippine National Police (PNP) ang mga pasaway at mga dawit sa ibat-ibang katiwalian.

Pero ika nga, walang imposible kung talagang desidido .

Magtagal man at least nasisimulan, kaysa pinagtatagal lalong gumagrabe.

Kahapon inamin ni PNP chief Director General Oscar Albayalde na umaabot sa 1, 700 scalawags na mga parak ang ngayon ay kasalukuyan pa ring under surveillance kaugnay ng umano’y pagkakasangkot sa illegal drug trade.

Pero nilinaw ng PNP chief na ang naturang bilang na ito ay base pa lamang sa mga natatanggap na impormasyon ng PNP at masusi pang bineberipika ng pamunuan ng command.

Nangangahulugan na hindi lahat ng nasabing bilang ng mga pulis ay sangkot na nga sa illegal drug trade dahilan ang iba sa mga ito ay impormasyon pa lamang ang natatanggap ng PNP at masusi pang bineberipika ng kanilang mga intelligence operatives .

Kung baga watchlist pa lang kailangan pang makumpirma kung totoo.

Pero ang tiniyak ng PNP chief na dapat itatatak sa isip ng ating kapulisan, hindi raw sila (pamunuan ng PNP) titigil hanggang sa mawalis umano ang mga bugok sa hanay.

Kamakalawa lamang ng gabi isang opisyal na naman ng PNP sa katauhan ni Supt. Santiago Rapiz ang nasawi sa ikinasang buy-bust sa Dipolog City sa Zamboanga de Norte.

Si Rapiz ang ika-siyam na opisyal ng PNP na napatay na may kinalaman sa kampanya sa ilegal na droga. Kabilang din ito sa drug watchlist ni Pangulong Digong.

Hindi lang ang sinasabing mga sangkot sa ilegal na droga na parak ang todo-bantay ngayon ng PNP kundi maging ang iba pang dawit sa ibat-ibang ilegal na aktibidades.

Hindi daw ito tatantanan ng pamunuan ng PNP, at sisguruhin maaalis sa command kahit pa kumonti ang kanilang bilang.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with