^

Punto Mo

Dahil huwaran kang taxi driver, may premyo ako sa’yo!

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

KAMI sa BITAG kapag gumawa ka ng mali, yari ka. Kapag gumawa ka naman ng tama, sikat ka. Sa column na ito, gusto naming bigyang pugay si Tatay Roberto Batac, isang marangal na taxi driver.

Kung susumahin, sirang-sira na ang imahe ng mga taxi dahil sa mga kalokohan ng ibang driver. Hindi na tinatangkilik ng mga dating pasahero dahil mas pabor na sa mga bagong teknolohiya tulad ng Grab.

Stigma na sa kanila ang pagiging kotongero o kaya nama’y isnabero. Nangunguntrata o namimili ng kanilang mga pasahero.

Marami na rin kaming nabitag na mga tsuper ng taxi na gumagamit ng batingting --- aparatong ginagamit para tumaas agad ang metro. Ibahin niyo si Tatay Roberto.

Nagsadya sa aming tanggapan para lang magsauli ng laptop at mga dokumentong naiwan sa kanyang ipinapasadang taxi. Sa kabaitan ni Tatay Roberto at sa tulong ng aming programa, naibalik agad sa may-ari ang mga naiwang gamit.

‘Di tulad nung isang Grab driver na una nang inireklamo sa amin. Pati naiwang cell phone ng pasahero, ‘di pinalampas. Hindi na rin naawa, pinatos!

Wala ring pinagkaiba roon sa mga naglalagay ng gamot pampatulog sa loob ng taxi para nakawan o pagsamantalahan ang kanilang pasahero.

Marami man ang mga loko-lokong driver, mayroon din naman mga matitino. Parte ng aming public service na kilalanin ang mga bukod tanging indibidwal tulad ni Tatay Roberto. Hindi naman pwedeng palampasin lang ang mabuting gawain na ito.

Natuwa kami sa kanyang kabaitan at kabutihan ng loob kaya binigyan namin siya ng mumunting premyo. Isang tapat na taxi driver na dapat pamarisan at tularan ng mga kapwa driver.

Nawa ay maging halimbawa ng isang matinong taxi driver sa kanyang mga kasamahan. Tipong kapag may nakitang naiwan sa sasakyan, hindi na pagdidiskitahan. Di magdadalawang isip na isauli sa may-ari.

vuukle comment

ROBERTO BATAC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with