^

Punto Mo

Sino sa Immigration ang kumita?

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

NAKATAKAS o pinatakas ang dalawang Koreano sa kamay ng mga tutulog - tulog na mga immigration.

Inaalam pa ng mga opisyal kung sino ang kumita sa mga bantay-salakay.

Karamihan ng mga nagbabantay sa BI detention cell sa Bicutan, ay mga casual employees o confidential agents.

Si Choi Young Seop, ang isa sa dalawang nakatakas dahil ang kasama nito ay nahuli ng mga humahabol na ahente.

Sinasabing multi - million diumano ang ginastos nito para ibigay diumano sa mga nagpatakas sa kanya?

Hindi biro ang kaso ni Choi wanted ito sa kanilang bansa sa Korea at inaantay na lamang ang kanyang deportation order.

Isang masusing imbestigasyon ang ginagawa sa pangyayari.

Abangan.

• • • • • •

Lapu-Lapu-Cebu International Airport

Inaprubahan sa House Committee on Transportation ang House Bill 8170, na naglalayong palitan ang pangalan ng Mactan-Cebu International Airport o MCIA bilang Lapu-Lapu-Cebu International Airport o LCIA.

Ang pagpapalit ng pangalan ng mga kongresista ng komite ay naglalayong parangalan si Lapu-Lapu, ang puno ng mga katutubo noon.

Si Lapu-Lapu ang itinuturing na unang bayani ng Philippines my Philippines  na nakipaglaban kay Ferdinand Magellan.
Ang pagpapalit ng pangalan ay katulad nang pangalan ng lungsod at lokasyon ng paliparan.

Ang Mactan-Cebu International Airport Authority, na ginawa sa bisa ng Republic Act 6958 of 1990.

vuukle comment

HOUSE COMMITTEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with