^

Punto Mo

Jueteng ni Mangga sa Albay, hamon kay Sandra Cam?

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

HINDI makaporma ang local government units (LGUs) sa probinsiya ni Albay Gov. Al Francis Bichara dahil takot sila sa empleyado nitong si alyas Nympha.

Sinabi ng mga kosa ko na hindi mapanghindian ng mga LGU ang alok ni Nympha, hindi lang ng salapi kundi maging suporta ni Bichara sa darating na election, basta suportahan at hindi sila kikibo sa jueteng ni alyas Mangga.

Ipinagyayabang ni Nympha na bagyo siya sa Ombudsman at tinatakot niya ang mga LGU na kakasuhan kapag sinuway ang kagustuhan ni Mangga na maglaro ng jueteng ang constituents nila.

Araguuyyyyy! At ano kayang kaso ang ihahain ni Nympha laban sa mga LGU na hindi tatalima sa jueteng ni Mangga?

May itinatagong baho kaya ang mga LGU sa Albay? Ano sa tingin n’yo mga kosa?

Dahil sa pananakot ni Nympha, lalong lumakas ang ugong na ang jueteng ni Mangga ay fund raising campaign ni Bichara. Get’s n’yo mga kosa? Kasi nga kung walang kinalaman si Bichara sa jueteng ni Mangga, dapat sinibak na niya si Nympha dahil sinisira ang kanyang pangalan  at baka kumambiyo sa kalaban ang mga botante.

Subalit hanggang sa ngayon, nandiyan pa rin sa provincial capitol si Nympha kaya alam n’yo na ang kasagutan, di ba mga kosa? Hak hak hak! Kaanu-ano kaya ni Mangga si Nympha? May pabuya ang makasagot nang tama. Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan, di ba mga kosa? Tumpak!

Ang tanong sa ngayon na kumakalat sa Bicol, bakit tahimik si Mam Sandra Cam, ang board member ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa jueteng ni Mangga? Alam naman natin mga kosa na ang Small Town Lottery (STL) ay binuksan ng PCSO para wakasan ang jueteng sa kalye. Subalit nang bumalik ang jueteng sa Albay, di ba dapat mag-ingay ang PCSO, lalo na si Mam Sandra, na alam kong palaging galit kapag sinusuway ang kagustuhan niya?

Ayon sa mga kosa ko sa Bicol, nakita si Mam Sandra na may kausap na mga kalalakihan bago magbukas ang jueteng ni Mangga. Matapos umalis si Mam Sandra, aba nagtakbuhan ang mga kalalakihan kay Chief Supt. Arnel Escobal, ang Bicol police director; Sr. Supt. Milo Pagtalunan, ang PNP provincial director ng Albay at Chief Insp. Ronnie Fabia, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa probinsiya ni Bichara.

Ilang araw lang matapos kausapin ng mga kalalakihan sina Gen. Escobal, Col. Pagtalunan at Maj. Fabia, aba nagbukas ang jueteng ni Mangga. Ayon kay Mangga, direkta siya sa opisina ni PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde at maging kay Dir. Roel Obusan, hepe ng CIDG sa Camp Crame. Hak hak hak! Hindi papayag sina Albayalde at Obusan na gigisahin ni Mangga ang inaalagaan nilang pangalan, di ba mga kosa? Hehehe! Weder-weder lang ‘yan!

Sa ngayon, nakatingin ang madlang people kung ano ang gagawin ng PCSO sa jueteng sa Albay. Ipinasara kasi ng PCSO ang STL sa Albay dahil hindi nakabayad ang authorized agent nito ng milyones na Presumpting Monthly Revenue Receipt (PMRR) dahil sa sobrang laki ng bond nila. Sa totoo lang, malaking posiyento ng authorized agents ng PCSO ang hindi nakapag-remit ng milyones na PMRR nila kaya’t pati ang serbisyo publiko nito tulad ng pagtulong sa mga may sakit ay naapektuhan na Pres. Digong Sir.

Totoo kaya na malaki na ang P5,000 na tulong ang makukuha ng pamilya ng sinumang may sakit sa ngayon sa PCSO? Pakibusisi nga ito Pres. Digong Sir dahil baliktad dito ang ibinando mo noong nagsimula pa lang ang STL. Sa totoo lang Sir Digong, nagbabantay ang gambling lords sa ngayon ng pagkilos sa jueteng ni Mangga dahil para sa kanila test case ito.

At kung hindi gagalaw ang PCSO, aba may posibilidad na babalik na rin ang jueteng sa iba’t ibang bahagi ng bansa at makalimutan na ang STL, di ba mga kosa? Kaya goodbye na lang sa STL pag nagkaganun?

Araguuyyyyyy! Sa totoo lang, sa monitoring ng mga kosa ko sa Camp Crame, ang probinsya pa lang ni Bichara ang matapang na sumuway sa PCSO at magsisilbing hamon ito kay Mam Sandra. Ang PNP, CIDG at NBI kaya, bulag, pipi at bingi sa jueteng ni Mangga? Ano sa tingin n’yo mga kosa kong radio reporters at commentators d’yan sa Bicol? Abangan!

vuukle comment

SANDRA CAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with