^

Punto Mo

180 kotse, sabay-sabay na nagsayaw sa UAE

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG world record na naman ang naitala sa United Arab Emirates matapos nagtipon-tipon doon ang nasa 180 na mga 4x4 na mga kotse at sabay-sabay na “sumayaw” habang nasa isang pormasyon.

Naitala ang bagong world record sa Dubai Rugby 7s Stadium, kung saan nahigitan ang dating world record ng 36 na sasakyan.

Ang bagong world record ay naitala sa pamumuno ng international racing driver na si Axcil Jefferies, na nanguna sa mga sasakyan sa pagbuo ng isang pormasyon.

Bago nila mabuo ang pormasyon ay naghati muna sa dalawang grupo ang mga sasakyan at saka bumuo ng dalawang pilang may kabuuang haba na 1,476 kilometro.

Pagkatapos ay tumakbo sa magkasalungat na direksyon ang dalawang grupo bago nagsalubong upang mabuo ang isang dambuhalang imahe na may sukat na lawak na 176.5 metro at habang 225 metro.

Kung matatanaw ang pormasyon mula sa himpapawid ay makikitang imahe pala ng isang dambuhalang lawin ang binuo ng mga kotse, bilang pagkilala sa isa sa mga simbolo ng UAE.

vuukle comment

UAE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with