^

Punto Mo

Disisiete anyos na lalaki, ginawang sekyu!

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

MALALIM ang imbestigasyon na isinasagawa ng BITAG bago i-dokumento ang isang kaso. Ako mismo, si Ben Tulfo, ang humaharap at personal na kumakausap sa mga taong dumudulog sa aming tanggapan para magreklamo.

Kaya kung minsan, ang mga simpleng reklamo nakikitaan pa namin ng mas malalim at seryosong kwento.

Tulad na lamang ng reklamo na idinulog ni Rimuel Gastil sa BITAG-Kilos Pronto. Sumbong niya, ginagawa na nga raw siyang muchacho ng kaniyang amo, ‘di pa ibinibigay ang kaniyang sweldo.

Kwento ng pobre, iniwan niya raw ang pagtatrabaho niya sa tubuhan sa Negros para maki-pagsapalaran sa Maynila at kumita para sa pamilya.

Sa pag-iimbestiga ng aming team, nadiskubre namin ang mas malaking kalokohan nitong Light A Security Agency. Si Rimuel kasi, labing-pitong taong gulang palang isinabak na agad sa trabaho.

Ang mas malaking problema, wala rin siyang formal training, walang neuro exam, walang gun license and proficiency handling.

Dagdag pa ng pobre pineke raw ng agency ang kaniyang mga papeles. Pinagtataka niya kung bakit biglang nagkaroon ng lisensya eh wala namang proseso na pinagawa sa kanya.

Inilapit namin kay PSI Randy Velarde, Chief ng CIDS-SOSIA ang kasong ito. Paglilinaw niya, labag sa batas ang pagtanggap sa mga menor de edad para magtrabaho bilang sekyu!

Kasama ang PNP-Antipolo, agad na binisita ng aming team ang opisina ng Light A Security Agency para malaman ang buong detalye. Nagpasya na rin kami na imbitahan ang kanilang HR Officer na si Angelita Dueñas sa aming opisina para sa patas na pamamahayag.

Pag-amin naman ng kanilang HR Officer, sila ang may pagkakamali at natuto na raw sila sa pangyayari. Ipinangako rin ni Angelita na ibalik ang huling sweldo na hinahabol ng kanilang dating empleyado.

Gayunpaman, ‘di pa rin lusot sa kaparusahan ang Light A Security Agency sakaling mapatunayan na mayroon silang nagawang kasalanan. Minabuti na rin ni PCI Manuel Maligaya, Asst. Chief, Enforcement Management Division ng PNP-SOSIA na papuntahin si Rimuel sa kanilang tanggapan para maberipika kung pineke nga ba ang kaniyang lisensiya.

Madali naman kaming kausap sa BITAG. Kung makikipag-coordinate lang kayo ng maayos, wala tayong magiging problema. Pero kung makikipagmatigasan kayo at ipagpipilitan ang baluktot niyong pangangatwiran, siguradong makakatikim kayo!

vuukle comment

BITAG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with