^

Punto Mo

Ang jueteng ni Mangga sa Albay, bow!

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

GINIGIBA nang jueteng operation sa probinsiya ni Albay Gov. Al Francis Bichara ang pangalan ni Philippine National Police (PNP) chief Dir. Gen. Oscar Albayalde.

Halos isang buwan nang nag-ooperate ang jueteng sa Albay at ang ipinagmamalaki ng tagapamahala nito na si alyas Mangga ay rekta sila kay Albayalde sa Camp Crame. Araguuyyyyy! Totoo kaya ito Gen. Albayalde Sir? Kung sabagay, dating pulis si Mangga kaya malakas ang loob niyang idawit ang pangalan ni Albayalde sa ilegal na gawain niya, ‘di ba mga kosa? Kaya lang, sa kasagsagan ng internal cleansing ng PNP hindi naman maganda kung ang tatamaan lang ay ang mga “maliliit” na pulis samantalang kapag opisyal na, lalo na ang puno mismo na si Albayalde, ay exempted.

Kaya dapat gamitin ni Albayalde ang kanyang kamay na bakal laban sa jueteng ni Mangga, hindi lang para linisin ang pangalan n’ya, kundi para ipakita sa madlang people na hindi dapat ginagamit ang pangalan niya sa ilegal. Tumpak! Hak hak hak! Bilang na ang mga araw ng jueteng ni Mangga, di ba mga kosa?

Tiyempo naman ang pagbukas ng jueteng sa Albay dahil malapit na ang election sa susunod na taon. Kaya ang usap-usapan sa Camp Crame kaya nagbukas ang jueteng ni Mangga ay para pondohan ang re-election bid ni Bichara. Kung totoo na P3 milyon kada araw ang kubransa ng jueteng ni Mangga, aba malaking pondo ang maiaakyat nito sa kaban ni Bichara, ayon sa mga kausap ko sa Camp Crame. Kung sabagay, sa ngayon pa lang ay nag-iimbak na ng pondo si Bichara at baka me semplang siya sa kalaban niya, ‘di ba mga kosa? Subalit ang PNP ay nag-aantabay sa gun’s, goons and gold kaya’t hindi maaring makalusot ang jueteng operation ni Mangga sa mga alipores ni Chief Supt. Arnel Escobal, ang director ng PRO 5 sa Bicol. Tulad ni Albayalde, baka ni-namedrop din ni Mangga ang pangalan ni Escobal, ‘di ba mga kosa? Kung sabagay, si Albayalde nga ay kinakayan ni Mangga, si Escobal pa kaya? Get’s n’yo mga kosa?  Araguuyyyy! Hak hak hak! Siguro senior nina Albayalde, CIDG director Roel Obusan at Escobal si Mangga kaya hindi sila makaporma sa jueteng operation ng huli? Puede, ‘di ba mga kosa?

Sinabi ng mga kosa ko sa Camp Crame na may alam si Bichara sa jueteng operation ni Mangga dahil ang empleada n’ya si Nympha ay kasabwat dito. Si Nympha mga kosa ang taga-ayos ng pulis at mga local officials kung saan nag-ooperate ang jueteng ni Mangga. Sa ngayon ang mga malalaking bayan o siyudad sa 2nd District ng Albay, tulad ng Legaspi City at Daraga, nag-ooperate ang jueteng ni Mangga at siyempre nagiging bulag, pipi at bingi ang mga pulis at LGUs sa ilegal dahil kaon din sila, di ba mga kosa? Teka nga pala! Ang local at national management ng jueteng ni Mangga ay itong si alyas Mel na bata umano ni Bichara. Araguuyyyy! Ano ba ‘yan? hak hak hak! Weder-weder lang ‘yan!

Kung sabagay, magsisilbing test case ang jueteng ni Mangga sa Albay para sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Matatandaan mga kosa na itinatag ng PCSO itong Small Town Lottery (STL) para gibain ang jueteng subalit mukhang failure sila kung itong hindi pagbayad ng mga authorized agents nila ng kanilang Presumptive Monthly Retail Receipt (PMRR). Milyun-milyon ang utang ng mga authorized agents, tulad ng Happy Cool sa southern Metro Manila, subalit kahit may cease and desist order na ang PCSO ay patuloy pa silang nag-ooperate at sa kamalasan ay wala nang nananalo sa mga tumataya. Sa totoo lang mga kosa, wala nang draw ng winning combinations sa ngayon ang mga STL dahil sinasambit o boca na lang ang mga numerong inilalabas na kumbinasyon. Ibig sabihin mga kosa, dinadaya na ng mga authorize agents ang kanilang mananaya na malapit nang magsawa kaya’t paliit ng paliit na ang kubransa nila. Kelan kaya magigising si Alexander Balutan na palpak ang STL nila? Kung sabagay, pabor naman si Digong dito sa jueteng kaysa naman magtutulak ng shabu ang mga Pinoy. Abangan!

vuukle comment

OSCAR ALBAYALDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with