^

Punto Mo

Bilang ng mga na-caesarean, dumoble

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

DITO sa ating bansa, mas magastos umano ang panganganak sa pamamagitan ng caesarean kaysa sa normal na paglabas ng bata mula sa sinapupunan ng ina nito. Hangga’t maaari, sa hanay ng mga walang kakayahang magbayad sa C-section, mas nanaisin pa nila ang normal delivery. Sa caesarean, kailangang hiwain ang tiyan ng buntis na babae para mailabas ang sanggol sa loob nito.

Pero marami rin palang mga tao sa mundo na mas pinipili ang caesarean kaysa sa normal na delivery sa iba’t ibang kadahilanan. Sa katunayan, halos dumoble umano ang bilang ng mga nanganganak sa pamamagitan ng caesarean sa buong mundo mula noong taong 2000.  At maliit na bilang lang ng ganitong operasyon ang kailangan lang talagang isagawa. Ito ang  luma­labas sa isang pag-aaral na isinagawa ng isang pandaigdigang koalisyon ng mga researcher ng World Health Organization, Yale University, King’s College London at iba pa.

Ayon sa pananaliksik na ito na nalahathala umano sa Lancet, 21 porsiyento na ng lahat ng panganganak sa buong mundo ang isinagawa sa pamamagitan ng caesarean delivery kumpara sa 12 porsiyento noong may 18 taon na ang nakakaraan. 10 hanggang 15 porsiyento lang ng lahat ng mga panganganak ang aktuwal na kailangan lang ng invasive surgery o caesarean.  May 60 porsiyento ng mga bansa ang nagsasagawa ng mga caesarean kahit hindi naman kailangan.

Binanggit ng mga researcher ang ilang posibleng dahilan ng pagdami ng bilang ng mga isinasagawang caesarean. Maaaring  ang mga batang doktor na nagsasagawa ng caesarean ay nawalan ng kumpiyansa sa pagsasagawa ng kumpletong vaginal deliveries kaya umakyat ang surgery rate. Maaaring ang takot sa panganganak ang nagtutulak sa ilang mga magulang na hilingin ang C-section.

Ayon sa Mayo Clinic, kailangan lang ang caesarean kapag ang tagal o logistics ng vaginal delivery ay magdudulot ng panganib sa ina o sa bata tulad sa infection. Meron din umanong panganib sa caesarean tulad ng post-surgical infections, abnormal bleeding at na maaaring makasagabal sa susunod na pagbubuntis ng isang ina. Kadalasan din, ang panganganak sa cesarean ay may kaugnayan sa pagbabago ng immune development ng sanggol na maaaring dahilan para magkaroon ito ng hika, allergies at ibang sakit.

vuukle comment

CAESAREAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with