^

Punto Mo

Drug test sa mga kandidato at sa mga mananalo

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Ngayong  nairaos na ang paghahain ng kandidatura ng mga nagnanais na sumabak sa midterm election sa susunod na taon, ibat-ibang panukala pa rin ang lumulutang kaugnay sa drug test ng mga kandidato.

Sa panig ng kapulisan, una nang inihayag ni PNP chief Director Gen. Oscar Albayalde na kung siya ang masusunod mas magandang isailalim sa mandatory drug test ang lahat ng kandidato sa elective post.

Dapat nila umanong mapatunayan at matiyak na hindi sila gumagamit ng ilegal na droga.

Iba naman ang nais ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), sorpresang drug test ang kanilang isinusulong sa mga kandidato na naghahangad ng posisyon sa gobyerno.

Paliwanag naman dito ni PDEA Director General Aaron Aquino bagamat pabor din silang isailalim sa mandatory drug test ang mga pulitikong tatakbo sa eleksyon, mas nais nilang isulong ay ang surprise drug test.

Paliwanag nito, mistulang mababalewala lamang ang naturang proseso kung alam ng isang pulitiko kung kailan siya kailangang sumailalim sa drug test. Mapaghahandaan niya ito o kaya pansamantalang tumigil sa ‘paggamit’ upang maging negatibo ang resulta ng test.

Dapat umano biglaan at hindi napaghahandaan para mahuli sa akto ang mga totoong lulong sa bisyo.

Nanawagan na din ang Dangerous Drugs Board (DDB) sa mga kandidato na sumailalim sa mandatory drug test sakaling maluklok sila sa pwesto.

Palagay ng marami hindi na kailangan pang paalahanan ang mga kandidato o maging ang mga mananalo, dapat sila na sa sarili nila ang magkusa.

Mas makakabuti at mas pagkakatiwalaan sila ng mga mamamayan kung sila na mismo ang nagkusa sa kanilang sarili sumailalim sa ganitong mga test.

Marapat lang na sila ang maging magandang halimbawa sa kanilang mga nasasakupan para makamit ang isang drug-free na sambayanan.

Simpleng bagay lang naman, kung walang itinatago, walang dapat katakutan anuman o ilang ulit mang drug test ang ibigay.

vuukle comment

MIDTERM ELECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with