^

Punto Mo

PAGs, gun for hire agad na lansagin!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Last day ngayon ng filing ng certificate of candidacy (COC) sa mga nagnanais na tumakbo sa halalan sa susunod na taon.

Siguradong mas lalong piyesta ngayon sa mga tanggapan ng Commission on Elections ( COMELEC) dahil magkukumahog ang mga kandidato.

Sa Disyembre, ilalabas ng komisyon ang pinal na listahan ng mga kandidato, siyempre may idedeklarang mga ‘nuisance’ ‘ na ididiskwalipika ng komisyon.

Pagkatapos ng filing bahagyang mananahimik ang mga kandidato hanggang sa magsimula na ang itinakdang araw ng kampanya bago maghalalan.

At habang papalapit naman nang papalapit ang midterm election siya namang pagtaas ng mga krimen o karahasan na sinasabing may kinalaman na sa halalan.

Ilang pagpatay na ang naitala ng PNP sa ibat-ibang panig ng bansa.

Sa ngayon sa assessment ng AFP at PNP nangungunang banta sa pagdaraos ng mapayapa at matiwasay na halalan ay ang mga private armed groups (PAGs) at gun for hire.

Ito ang nais buwagin at lipulin ng pinagsanib na pwersa ng AFP at PNP.

Patuloy din ang pagtukoy nila sa iba pang election watchlist area o hotspots na dito itotodo ang pagbibigay ng seguridad.

Magkakaloob din ng seguridad sa mga kandidato partikular sa mga kritikal na lugar na sana naman ay huwag abusuhin.

Ngayon pa lang may paalala na si PNP chief Oscar Albayalde na limitado lamang sa pagtiyak sa seguridad ng binabantayan nilang kandidato ang gagampanan ng mga security escorts.

Bawal na bawal magbitbit ang mga ito ng mga election paraphernalia.

Ganyan din ang kautusan ng AFP sa mga tauhan ng militar.

Ngayon magkakakilala na ang mga maghaharap o magkakatunggali sa mga posisyong kanilang paglalabanan sa kani-kanilang lugar na dapat na mas lalong matutukan.

Sana makiisa na rin ang mga kandidato para sa hangad na mapayapang halalan. Labang parehas at walang siraan at pagkakasakitan, Maglatag na lang ng kanilang plataporma na siyang titimbangin ng mga botante.

vuukle comment

CERTIFICATE OF CANDIDACY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with